Ikasampu at kalahati na ng gabi nang magsimulang umandar ang estribo palabas ng terminal sa Cubao. Walang konkretong dahilan at biglaan, napagdesisyunan kong hamunin ang sarili kong mga kawirdohan para patunayan na handa ako at siryoso ako sa mga desisyon ko. Bitbit ang isang kaha ng yosi at isang libro, tinahak ko ang daan pa-Balanga.
Naalala ko pa ang una kong punta sa malayong bayan na yun. Disisyete anyos ako. Haha. Disaster.
Tatlong oras ang byahe. Pero parang dalawa at kalahating oras lang dahil sa katabi kong lola na amoy efficascent oil na bumaba sa San Fernando. Napaka-relieving nya katabi. May kasama pa yang pag-aalok sa akin ni lola ng mani, itlog pugo at pan de koko kada labinlimang minuto.
Pagpasok ng Bataan, napansin ko na dalawa na lang kami ng isang mamang lasing sa bandang likod naka-pwesto, isang palatandaan na malapit na ako sa terminal. Simple ang instruction sa akin, " pagbaba ng terminal, sumakay ka ng tricycle papuntang Ministop. Hintayin mo ko dun. :D"
Kinakabahan at nanginginig. Para akong frozen hotdog na inilabas sa freezer pagbaba ng bus. Isama mo pa ang pangamba sa anim na tricycle drivers na muntik ng mag-riot sa kung sino sa kanila ang sasakyan ko.
Hindi ako binigo ng sarili kong kapangahasan. Pagkatapos ng mga dalawampung minutong pakikipagkwentuhan sa gwardya ng Ministop, nakita ko sya, sakay ng isang motorsiklo, nakangiti, namamangha.
Nuon ko napatunayan, may mga magagandang bagay din palang maaring mangyari sa akin.
At simula ng minuto na yun hanggang sa sumunod na anim na oras, naranasan kong maging hari ng sarili kong mundo, kasama ng prinsesa at ang kanyang sariling kaha ng yosi. At sa pagluhod ko sa misa sa katedral ng paborito nyang arsobispo nuong mag-ika anim ng umaga, panalangin ko na sana hindi sya mapanghinaan ng loob at magpatuloy sa pangangarap. Kasama man ako sa pangarap na yun o hindi.
May mga bagay at pagkakataon na hindi kayang bigyan ng hustisya ng mga salita. Pag-ibig man ito o ala-ala. At sa ibat-iba ngunit magkaka-ugnay na paraan at dahilan, tayo ay nawawala sa ikot ng mundo. Nawawala. Nawawalan. Lumiligaya. Nabibigo. Umaasa.

14 palagay:
"Nuon ko napatunayan, may mga magagandang bagay din palang maaring mangyari sa akin."
Thank goodness you realized this.
Congratulations. Your cynicism is beginning to ebb.
Wonderul.
:)
hindi digs ba't kismet taytol. ang pumapasok sa kukote ko eh akismet. nyahahaha!
at nagulumihan din ako sa kwento mo. ano un, chick na marunong magmotorsiklo? at ikaw ang nakasakay sa likuran niya? wahahaha!
so dumayo ka sa bataan para kumerengkeng. ang tanong: worth it naman ba ang pakikipaglandian? huhlolz!
kumarengkeng ka long distance pa?? weehhhhhhh
nwei, sana eh worth it nman un..hehehe
no matter what, panget ka pa din., haha! :D
keep lovin' sir :)
by the way thanks for the blog drop i hope you can vist my blog more often :)
HAHA. OKAY, OKAY.
galing mo talaga sumulat. saludo
"Nuon ko napatunayan, may mga magagandang bagay din palang maaring mangyari sa akin."
-yep that's true.. we tend to focus on the negative so we fail to see the positive...
(someone slap me now! i'm the one needing this advice! haha good job..) ^_^
well i want to experience that too... go to unfamiliar places, ride a long bus ride, meet someone that i like/want/yearn to see... i mean kahit walang landian/s*x (but kung meron why not haha), you know para lang to feel more alive kuno.. to feel appreciated..
nice post !! ^_^ keep us posted...
and by the way... ang saya naman ng lola na yun... may libreng chibog at aromatherapy! haha ^_^
im happy for u kapatid ^_^ very happy for u!
D Best ka Talaga bunso!
tuloy ba ang baguio mo?
naalala ko tuloy nung kinanta ko sayo ang Kismet. . . hihihi. . .
Miss yah. . . >_<
weh. correction. ahem ahem. hindi ako "namangha" haha!
kewl! galing ng pagkakagawa. so ano nang ginawa nyo pagkatapos nyong magkita? hehehe... uy vote mo naman si taympers dito http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/ kung trip mo ang blog nya
Post a Comment