Where Are Your Yagbols, Superman?

by Friday, September 11, 2009 19 palagay
Lampas isang taon kang naduwag? Taena. Anung dahilan mo? Kasi nawalan ka? Sinong hindi nawalan? Ako din naman eh. Mas marami ngang nawala sa akin kung tutuusin. Pero nagmukmok ba ako ng mahabang panahon? Akala ko ikaw ang nagturo sa amin maging matapang. Ngayon ko na sayo sasabihin. Ayoko sa sa'yo. Ayoko sa duwag.

Di kita kinakausap. Ayokong kausap ang duwag. Hanggat kaya kong wag kang makita, ginagawa ko. Tangna yan kase, bakit kasi bawal kayong pangaralan? Bakit hindi pwedeng magbigay ng payo ang mga bata sa mga nakakatanda? Sino bang may sabing lagi kayong tama? Nababanas ako. Gusto kitang sigawan. Pero dahil anak mo ko, hindi na lang kita kinakausap. Hindi na lang kita pinapakelaman. Duwag ka at napako na lang ang pagiging tatay mo sa bahay. Wala. Nawalan ako tiwala sa'yo. Di ako naniniwala. Ayoko sa duwag.

Ako ang nawalan ng nanay at matalik na kaibigan. Nawalan ako ng pagkakataong tumupad ng pangarap. Nawala sa ritmo mundo ko. Nawalan ako ng gana. Umayaw akong magpari. Naduwag akong pumasok ng seminaryo. Pero nagreklamo ba ako sa'yo? Narinig mo ba kong nagmalaki ng kinikita ko? Wala kang narinig sa akin. Di mo ko narinig na nagreklamo. Ikaw anung nawala sa'yo? Nawalan ka din ba ng pagkakataong maging normal na batang gustong umabot ng pangarap? Akala ko di kalaunan eh titigil ka na sa pagkasalampak mo sa tanginang kalungkutan na yan. Isang taong mahigit. Yun pa din ang dahilan mo. Babang luksa. Walang kwenta.

Minsan nagkataon na natanong kita kung anu nang ginagawa mo. Ako pa ang nagmukhang masama amputa. Ako pa naging suwail. Nagmukha pa tuloy akong bastos. Hindi ba kayo pwedeng tanungin ng mga sensitibong bagay? Wala. Nawala na ang superhero ko. Nawala na si Superman.

Buong kamusmusan kong si Mama lang ang kasama ko. Wala akong tatay kasama lumaki. Naiintindihan ko pa nun kung bakit wala ka sa mga malalaking balikbayan boxes na dumarating sa bahay. Pero ngayon, hndi ko maisip kung bakit wala ka. Kung bakit sa dinami-dami ng plano mo, wala kang tinutupad. Buong akala ko, magiging sidekick mo ko sa mga plano mo. Wala. Nang-iwan ka sa ere. Madaya ka. Isa kang malaking duwag. Ayoko sa'yo. Ayoko sa'yo to the nth time.

Di kita kayang kausapin. Di kita kayang pagalitan. Gusto kong sigawan ka. Pero tulog ka sa katotohanan at bulag ka sa realidad. Nakuntento ka na sa katahimikan ko. Wala kang nararamdaman. Takot ka. Ayoko sa yo.

Gusto kong magalit sayo ng bonggang bongga. Pero dahil tatay kita, mahirap para sa akin ang lapitan ka. Di mo alam kung gaano ako kalungkot sa mga nakikita ko. Ayoko nito. Pero hanggat di ka nagigising, walang mangyayari. Walang magbabago.

Kelan babalik sa eksena ng totong buhay? Kapag sisenta anyos ka na? Kapag napariwara na ang mga buhay natin? Ambilis mong sumuko. Ang dali mong ding masaktan. Parang ikaw ang nalulugi sa mga nangyayari.

Galit ako sa kaduwagan mo. Wala kang bayag.

Ngayon ko kailangan ng kakampi. Parang awa mo na. Ibalik mo si Superman ko.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

19 palagay:

citybuoy said...

haaay nakakalungkot naman. wag naman sana ganon. i hope u and ur dad patch things up. maybe you shouldn't see him as superman. tao rin siya, marupok at mahina.

Rico De Buco said...

akala ko base ako..2nd base lng pla hehehe...


ei, i feel for you bro...we share the same sentiments....

click mo toh at basahin...

http://bucosalad.blogspot.com/2009/06/i-want-to-greet-you-but-i-didnt.html

Unknown said...

i feel for you man. sana magkaayos kayo ng tatay mo, habang andito pa sya sa mundong ibabaw. when my dad passed away magkagalit kami, and its been a burden. yun lang.

eye_spy said...

hope everything will turn out ok soon between you and your dad.

Yas Jayson said...

@Nyl:

wakokokokok!

salamat sa comment. i know dad is not the usual superman type around. i know his flaws. yun nga lang, i need to vent out. he's the same sweet guy who puts katol under my bed everytime i opt to turn off the fan. it's just that i like him working and active. that's all. haha!

this feeling shall pass. for all is passing. :D

@rico:

read it. and commented. (wa masabi. nyahaha!)

@binchee:

thanks for reading my ranting post. am sorry nga pala sa naging sitwasyon mo with your dad. i know this will pass. i'll learn from you big guys. :D

mapagpalayang araw!

@ eye_spy

thanks for dropping by. yeas. this feeling will be over soon. :D

TheCoolCanadian said...

Don't rush him to recover too quickly. Each individual has different recovery time from grief.
I am one such individual. When my mother passed away, I had a hard time to let go. She was a wonderful mother and losing her made me feel as if my body was cut in half. The grief inside me was like an internal injury that seems not to heal.

For five years, I mourned. I shed tears everyday. She was on my mind every moment. I go to her grave everyday, rain or shine, snow or wind.

After five years, my tears began to dissipate. It happened so naturally. I have completed my mourning and now, I still visit her grave everyday, but I could talk to her without shedding any tear. I still miss her, I still long for her pressence, I still feel truncated.

But, I am on my way to recovery.

The same thing with your father. Let him complete the cycle of his mourning, no matter how long it will take. Don't force him to recover instantly. Don't hurt him by abusive words and indiferrent demeanor. Let him mourn. Let him shed his tears, let him express his pain.

In due time, he will heal. And you don't even have to look for Superman. Because even if he is silent and vulnerable, he is the same Superman who love you unconditionally, till the end of time.

Yas Jayson said...

I remember. No one has the right to condemn you on how you repair your heart because no one knows how much you repair you're hurting. That's from Grey's Anatomy. :D

I don't condemn my father. It's just that he forgets his responsibilities. Yun lang. I love him. But I don't tolerate his idleness. :D :D nyahaha!

Dear Hiraya said...

napaisip tuloy ako. para akong tatay mo. nung time na sobrang nalungkot ako, ang tagal ko talagang lumabas sa totoong mundo. hindi kasi ganun kadali para sa akin na humarap sa mundo dahil pakiramdam ko, nawalan ang ako ng isang bahagi ng katawan kaya hindi ko na buong buong maihaharap sa mundo ang sarili ko. At tungkol sa mga taong gaya mo na nakapaligid sa mga taong gaya ng tatay mo, hindi ka pa rin niya marahil nakikita hanggang sa mga oras na sinabihan ka niyang suwail. Dahil sarili pa rin niya ang naiisip niya at ang nawala sa kanya. Kung makita ka man niya sa mga sandaling naibabalik niya sa totoong mundo ang sarili, hindi pa rin sapat siguro yun para labanan niya ang kalungkutan at muling lumaban sa buhay.

Anonymous said...

ahh..

naniniwala ako
na indi pa huli ang pagbabago..
o ang pag coconfront..

maaaring sobra ang pagkukulang nya sa yo

pero you can make a change..

Ikaw na mismo ang lumapit sa kanya at kausapin sya.

Di kayang tiisin ng magulang ang paghihirap ng kanyang anak.

<*period*> said...

hope you're doing better

maroseqf said...

astig ng blog mo!

Yas Jayson said...

@fjordz:
sori naman. :D anu bang nawala sa yo? kwento ka... marami akong gustong malaman. haha!

@jason:
yeah. i'll take it from you. swear.

@period:
i am!

@marosqef:
thanks. :D

lio loco said...

okei. matagal ko nang nabasa 'tong sentemotional shit na 'to pero dahil nagloloko 'tong globe tattoong 'to, hindi ako makapag comment nang maayos. tangina talaga.

ano pa nga bang sasabihin ko kundi 'yung lage mong sinasabi sakin. carpe diem. la la la la la life goes on.

hindi niya kayang magpakalalake, wag kang magpapaanod sa sarili niyang kalungkutan. ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para mabago ang lahat.

hindi siya ang magdidikta ng kapalaran mo. kung ayaw, wag pilitin. move forward.

teka. parang ako lang 'to ah. hahaha!

osiya. at baka madisconnect ule tong taragis na intarnetz connection at di pa pumasok ang comment ko.

hoy ako tatlong taong pabalek, inom tayo pagbalek ko. hehe!

Jinjiruks said...

nde ako magaling na adviser, pero sasabihin ko lang sau. kahit magalit ka man sa kanya o hindi - you still can't deny the fact na tatay mo siya.

wag sana umabot sa point na saka mo lang mare-realize ang halaga ng isang tao pag wala na ito sa iyong kamay.

iAmGawwy said...

Im also a dad and i admit sometimes i commit mistakes to the point na hindi ko na naiisip na mali pala yung ginagawa ko.

My advice to you bro. give him time try to understand him, your the only person na nakakaalam ng pinagdadaraanan nya instead of blaming him why not comfort him

Dati din pinangarap kong maging pari naging acolytes ako for more that five years i think pero hindi destined eh..:)

cArLo said...

awwwww.... *hug*
everything's gonna be okay....in its own time.
i've also been angry at my dad, but i learned to love him...
thanks for visiting my blog din kahit inaagiw na :)

Abou said...

it's a phase all of us sometimes should pass

you'll get through

Yas Jayson said...

@ lio
haha. teka, para namang nasa tralala ka kung makasumpa ka sa hayupak ng glob tatoo na yan. nyahaha!

yup, i am really partial in posting this. ehe. ayun, i still posted it. gusto ka kasing maging mas transparent sa itim kong pahina.

nasan ka na? tae, bumaba ka nga sa lungga mo minsan!

@ jinjiruks
haha. i'll take it from you kuya. salamat. i know now better. :D kamusta ka nga pala?

@peterpan
whoa. salamat sa pagkakaligaw!

i know my dad has his own flaws and i cannot condemn him on how he repairs his own heart. its just that... oh, sigh. okay okay. i am missing the point and the meaning in the greater scheme. i understand him but it does not include that i should tolerate him. i wish he is a better father but i cannot complain. he is all i have.

haha. i still fancy the idea of priesthood, daddy peterpan. thanks for dropping by. addio!

@jinnakedxds3
i like it, "in its own time.." :D
yeah, i always have known forgiveness. all i need is the perfect time. nyahaha! yeah, i was boing bloghopping kapag walang magawa o maisulat. ehe. pasensya naman! continue writing.... please. :D

@abou
NABUHAY KAAAA!
nyahaha. kamusta kamusta kamusta?

it's a phase.

thank you, kuya. this too shall pass. thanks!

cArLo said...

yep i will... :)
and kaya inaagiw kasi i don't bloghop masyado so i don't know a lot of bloggers... thanks for the comment and for dropping by! i'll be visiting your blog too - bigla nalang akong dadaan... :)