Pinid

by Tuesday, February 02, 2010 7 palagay

Ito ang gabing puno ako ng galit at pagod, ng hinanakit at mga pag-uuyam. Gusto kong sumigaw sa mga taong walang konsepto ng awa at malasakit. Gusto ko silang sumpain. Pero dahil sa pagod ako at may natitira pang bait sa sarili, nakuntento na lang akong magpatay ng mga lamok na kanina pa nagpipista sa mga binti ko.

Hindi dapat kalimutan ang madaling araw na to. Hindi ngayon. Higit kaylanman. Magiging permanenteng gunita ang umupo sa kanto ng tahimik na kalsada at nagbabakasakali.

Literal na isinulat ang mga letrang ito ng hinanakit sa pagitan ng mga kalyeng Piy Margal at Vicente Cruz, ng isang yamot at pagal na disi-otso anyos, sa ganap na ala una kwarenta’y singko ng madaling araw.

Pula ang kulay ng naghihimagsik. Pula ang kulay ng mga letrang nanghihingi ng panyo at balikat.
Pootangina. Pootangina talaga.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

7 palagay:

Comment deleted. said...

Ayan, dumaan na ulit ako.

Kumalma ka lang, Yas. I-inom mo na lang yan ng Pepsi.

Unknown said...

oi chilax lang Yas!

ang pikon daw talo. hehe joke lang. isipin mo na lang kung sino man sila. may Day din ang mga yan. lols

http://www.monzavenue.com

Kosa said...

Aww
Napakalalim...
Diko mahalukay Kung anung gusto mong sabihin..
Nabobobo ako!!!

TheCoolCanadian said...

Elias Jayson:

Kulay PULA?

Basta siguraduhin mo lang na maging KULAY DILAW iyan sa eleksiyon.
Nyahahaha!

At pagkaraan niyan, mauupo ka sa kanto ng Pi y Margal at Vicente Cruz na hindi na nagagalit, kundi damang-dama mo na ang ASENSO!

O, tawa na diyan at baka atakihin ka pa sa puso.

melody said...

galing naman magwrite!!!

citybuoy said...

haay.. kalma lang. the world is full of bs. it's up to us to sift through it. :D

Jinjiruks said...

bakit pula pwede namang pink yas