Aliterasyong paulit-ulit
Move.
Tama si Paolo. Hindi kaylanman matatapos ang mga suliranin at hindi kaylanman nauubos ang mga responsibilidad. Hindi kaylanman napapatid ang kwedras ng mga pag-aalinlangan at hanggat hinahayaan natin ang panahon na tumagal, patuloy tayo sa pagbibilang ng mga tala.
Sabi ni Abraham Maslow, kaligayahan ang pangunahing pangangailangan ng tao na dapat tugunan. Mapapanatag lang daw tayo kapag ang pangangailangang ito ang nakamit. Kung ito ay ituturing na unibersal na katotohanan, nakakalungkot isipin na marami sa atin ang hindi tunay na maligaya.
Personally, marami akong kilalang ganto. High school friends na alipin ng pampamilyang responsibilidad, bloggers na hinahanap ang tamang tyempo para maintindihan ng lipunan, mga estudyanteng nag-aaral ng kursong hindi nila ibig, mga kolboys at kolgirls na nagtatawag sa telepono. Iba't-ibang dahilan. Iba't-ibang layon. May mga bagay kasi tayong isinasantabi para sa kaligayahan at pangangailangan ng mga taong nasa paligid natin.
Pero hanggang kailan tayo dapat maging payaso? Hanggat nanatili tayong ginagawa ang mga bagay na makapagpapapsaya lamang sa iba, tinatanggalan natin ng karapatan ang sarili nating maging malaya at maligaya. Mali bang lumabas sa kahong ginawa ng iba at gawin ang gusto mo? Hindi naman siguro maituturing na pagiging makasarili ang maging ikaw at tuparin ang sarili mong mga pangarap.
Si Paolo? Officemate ko. Late thirties, son of a pastor and is expected to carry on his father's works. He cannot preach in a pulpit nor hold any position in their church simply because Paolo is a discreet gay, one of the most decent and honest men I know so far. He loves the parable of the prodigal son and probably draws hope from the story that one day, his own father will recognize that he is ever wanting to come home, to be accepted. Sa parehas na prinsipyo, may mga taong isinasantabi ang bigtime nilang pangarap para sa pamilya. Nakakalungkot pero yun ang katotohanan.
Masama bang sundan ang kaligayahan mo maski kalakip nito ang pag-iwan mo ng ilang mahahalagang bagay?
' Kung alam mo lang, I'm dying to return there. Haha. If He really really wants me to serve the people, He'll wait for me even if it will take many years for me return. My family needs me.'
'No. That's wrong. Your family will always be needing you because that is the nature of the family. But you are not created for them. You come from them but you are not to stay in that comfort for all of your life. He made us to serve Him. You only have one lifetime to enjoy and give. You have to get out of your box and decide because it's your life. Sampalin kita jan eh. Sa first mass mo, pupunta ko sa ayaw mo't sa gusto. Basta keep in touch sa facebook.'
He was talking fast. Ako naman tulala habang nagsusuklay sya at sinusukat ang napulot na plastic tiara sa kanyang ulo.
Gusto kong tumawa. Imagine, alas dos ng madaling araw tong usapang ito habang sumasagot sa mga ultra moronic requests ng mga taong hindi marunong mag-activate ng modem. Napakawirdo talaga ng universe. Wala sa timing.
Move.
We could remain clowns and martyrs of our own blinded selflessness but I believe real heroes follow their heart. Truth is never passive. It troubles us and it will never be silent unless we recognize it. Follow your heart they say. So I am taking delight on these beats drumming in my chest. This boy will forever be restless until he gets out of the boxes that hinder him to take flight.
We are all free and no one shall label us nor decide over our fates. We shall dream for ourselves and never allow anyone to limit us. We shall never let others tell what we can only be. We shall be what we want, even if it means leaving home or walking alone. We are who we are for a reason. We are our dreams, our capabilities, our courage.
Move.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

9 palagay:
nostalgic and indeed moving...
Nakarelate ako sa pamilya vs sariling pangarap. May naalala akong quote na nabasa kung saan: "Ang inyong mga anak ay hindi ninyo anak." Parang ganun. LOL.
ganyan talaga ang buhay ngayon full of decisions to make!!!
nakaka-relate ako in the sense, na hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko o pangarap ko dahil may malaking reponsibilidad ako sa aking pamilya. pero kahit papano gumagawa naman ako ng mga paraan para kahit papano mapaligaya naman ang sarili. kaunting unwind. kita kita sa mga kakilala. minsan kailangang makuntento tayo sa buhay kaya tayo nalulungkot.
nakarelate ako dito pero medyo inverse kaso sinuway ko magulang ko nung nagpaka-kolboy ako. hehe
have u seen up in the air? there's a wonderful quote there *uma-imdb*
Ryan Bingham: You know why kids love athletes?
Bob: Because they screw lingerie models.
Ryan Bingham: No, that's why we love athletes. Kids love them because they follow their dreams.
sana mahanap natin ang ating respective na happiness. i'd like to think the struggle is there to make it worthwhile. kailangan ng maalat para malasahan ang matamis.
Yung last sentence. YUN YON EH. Hayyy. Ang sarap makabasa talaga ng mga ganito.
I can relate with how I can't seem to figure out what I want because natatakot ako sa mga masasabi ng tao sa paligid.
Ang lupet mo. I am deeply moved by this entry.
like everyone uses anyone for his own happiness.
like anyone leaving everyone for his own happiness.
@ewik: nostalgic. i like that word.
@victor: yep, i remembered you too on this post. LOL. Waw. parang alam ko din yan. Sa isang nobela ba yan?
@melody: ikr. life is decision itself. (:
@hindi tayo dapat makuntento. dapat tayong naghahanap at tumutupad ng kaligayahan. MOVE.
*win
@kuya nyl: haha. nabasa ko nga sa blog mo na pasaway ka. LOL. Di ko pa napapanood yung up in the air. maghahanap ako ng kopya sa carriedo.
ikr. we cannot know happiness if there are no sorrow. salamat sa pagdalaw, yey!
@pau: salamat sa pagbabasa. Di ako malupet. Di ako nangangagat. haha!
srsly, salamat sa pagbabasa, Pau.
@jonell: bitter kase. smile. (:
gusto ko 'tong entry mo. tinamaan ako ng husto. lagi akong nangangarap pero di ko alam kung paano sundin at tuparin...hayy...daming saloobin na di mabigyang daan..
inspiring, natutuwa ako sa mga sinusulat mo. salamat!
Post a Comment