Party balloons

by Wednesday, March 17, 2010 8 palagay
Headlines.

Minsan lang ako manood ng local news. Jusme, akala ko nanonood ako ng Bubble gang.

Magpapalabas daw ng milyong pondo ang DOH at World Bank para sa pag-aangkat ng condom (na iba iba ang flavor. yay!) para maiwasan daw ang pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa. Sabi nila, mataas ang rate ng kaso ng sakit na ito sa industriya ng mga puta sa telepono na kinabibilangan ko. Kung iisipin, ang industriyang ito ang isa sa mga industriyang malaki magpasahod. Ang naiisip ko lang na hindi naman sa pagmamayabang, makakabili ang isang tipikal na call center agent ng kahit ilang pirasong condom kung gugustuhin nya talagang maka-iwas. Hindi kailangang mamigay ng DOH ng imported condoms katulad ng sa mga free taste samplers sa supermarket. Maliban sa mga mahilig mang-trip at mga walang magawa, hindi magiging epektibo ang pamimigay dahil una, hindi cute tignan ang humingi nito sa mga health center (manong: dok, pahingi po ng condom, double dutch flavor. magseseks kami mamya ng gelpren ko); pangalawa, ang condom ay hindi katulad ng campaign flyers na pwedeng ipamigay sa mga sidewalk ng EDSA.

Maski tradisyunal ang pananaw ng Simbahan tungkol sa Reproductive Health Bill, masasabi kong may katwiran ang pagtutol nito sa mga balak ng pamahalaan. Kung maituturo ng wasto sa mga mamayanan ang responsibilidad hinggil sa pakikipagtalik at pagpapamilya, malaki ang posibilidad na maiwasan ito. 'What is important is the behavior change of the people that they become responsible in their sexual life.' sabi ni Bishap Pabilyo ng CBCP. Totoo, mas mainam na mamuhunan sa moralidad ng tao at hindi sa condom. Para na din kasi natin sinabing mas mainam na mag-angkat ng bigas sa Thailand (dahil mas masarap ito sa NFA rice) at hayaan na nakatiwangwang ang mga lupa sa tagtuyot kaysa gumawa ng epektibong patubigan upang maging handa ang mga magsasaka sa el ninyo. Prevention is better than cure ika nga ni Kuya Kim (kaya ugaliing uminom ng ampalaya plus!). Very true, teach a man wisdom and he will never be lost.

Maganda ang adhikain ng DOH na maiwasan ang pagkalat ng HIV/ AIDS. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit naka-focus ang programa sa condom. Mukang mapupunta na naman sa iilang tao ang pondo. Abangan ang susunod na kabanata.

Sumasakit ang migraine ko.

Ang mga bagay tulad ng maling pagkanta ng Lupang Hinirang, tamang kulay ng public urinals sa kalakhang Maynila at mga artistang nag-eendorse ng politiko ang inuuna ng pamahalaan na aksyunan kaya hanggang ngayon ang kaso ng mga magsasaka ng Sumilao, kaso ng mga pinatay ng mga Ampatuan, kaso ng Hello Garci tapes at Nicole rape case sa Subic ay nanatiling isinisigaw sa kalye't lansangan, pagal na hinihingan ng hustisya at nag-aabang na lamang sa susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, tahanan ng ating lahi at duyan ng magiting, ang ating lupang sinilangan.

Sabi ni Manny Pacquiao, suportahan daw natin kung sino man ang i-eendorso nya sa pagka-pangulo. Eh gago pala sya eh. Ano bang akala nya sa pagiging pangulo, magnulya melk drenk?

Napaka-kwela ng balita. Susme.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

8 palagay:

Kosa said...
This comment has been removed by the author.
Kosa said...

alam mo ba parekoy,
isa ito sa mga topic na gusto kong pasadahan nuong isang linggo.
NABALitaan ko din kase yung balitang nabalitaan mo(labu-labu..wahahaha)lols.

Parehong may punto ang Simahan at ganun din ang DOH.
Syempre walang pakialaman dapat ng programa...lols
May kailangang gawin ang simbahan base sa gusto nilang mangyari at ganun din ang DOH. Alam kong magagawan nila pareho ng diskarte kung paano nila magagawang epektibo ang kanilang Programa.

**parang kinikilingan mo ang simbahan kaya kikilingan ko naman ang DOH para pantay!**

wahaha..Peace

lucas said...

tama. madadagdagan na naman ang utang natin and i thinkn hindi practikal yung ginagawa nilang paraan para mapigilan ang pagkalat ng venerial dses sa Pinas.. Hmmm...

leroy said...

panis na kaya yung Nicole rape case. it's just a love story.

melody said...

hindi talaga mapipigilan ng government ang pagkalat ng HIV dahil nasa individual lang ang solution..

wanderingcommuter said...

i agree...

VICTOR said...

Nakakatawa lang na naging balita lang ang AIDS sa Pilipinas dahil nagaganap daw ito sa call center industry. Wala namang substantiation na kalakip, sensationalized pa ang pagbabalita.

Admin said...

Well, wala naman tayong magagawa diyan...

Kasi ewan ko ba... Kahit News... Parang entertainment na rin lang!


haha!