April Fools

by Saturday, April 03, 2010 5 palagay
Narinig ko kahapon sa isang sermon: "Ang Katoliko, buhay kapag patay ang Dyos at kapag buhay ang Dyos, sila naman ang patay. Tuwing Byernes Santo, punong puno ng tao ang simbahan, naghahanap ng misa. Wala hong misa tuwing Byernes Santo. Ang Katoliko, gustong magsimba kapag walang misa at tuwing may misa, hindi nagsisimba."

Sumakit ang migraine ko kay father. Nakakatawa pero sapul na sapul. Marami sa atin, seasonal ang relihiyon; pana-panahon. Parang mangga.


Ito raw ang pinakaboring na panahon sa kalendaryo ng simbahan kaya ang marami, nasa beach o nasa bahay nagd-dvd marathon. Napakaboring dahil patay ang Dyos.

 
At sarado ang malls.

 
---------------------------

Nung Hwebes, yumukod ang paring tulad ng kay Kristo upang hugasan ang paa ng mga mangingisda at magbubuwis; in short, mga ordinaryong tao. Sa mga panahong iyon, ang paghuhugas ng paa ang pinakamababang uri ng pagsisilbi. Sa parehas na paraan, itinuro ni Hesus ang pinakadakilang paraan ng paglilingkod- ang maging mababa at iaalay ang buhay para sa iba.

--------------------------

At dinugtong pa ng dominikano: "Hindi natatapos ang kwento ng Dyos sa mahal na araw pero tayo, hanggang sa libingan lang natin sinamahan ang Dyos. Tandaan natin na pagkatapos ng tatlong araw ay hinamak nya ang kamatayan at nagbagong anyo't hindi natin kaagad nakilala. Bilin sa atin ng misteryong ito na pagkatapos ng pagluluksa, MOVE ON. Wala sa libingan ang Dyos bagkus ay naglakbay at nakasalubong ng mga alagad sa daan patungong Galilea. Ang Dyos wala sa isang lugar. Sya ay nasa daan, kasama nating sugatan, nagugutom, dinadaya, pinapangakuan na iaahon sa dagat na basura. Hindi natin makita ang Dyos dahil nung Byernes Santo, inilibing nating kasama nya ang ating paniniwala. Wag sanang magtapos sa Byernes Santo ang paniniwala natin. MOVE ON."
 
 
 
+AMDG

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

5 palagay:

Rico De Buco said...

tama tama..napakaironic pero totoo..buhay ang tao pag patay ang diyos at pag buhay ang diyos tau naman ang patay..nakaklungkot isipin na ganito ang nangyayari sa mundo at hindi marealize ng mga tao na hindi lang simpleng pagpapapako sa krus ang ginawa ng Diyos. tsk tsk

wasup bro...bumalik na tau sa blogosperyo at isulat natin ang mga nobela ng buhay..hehehe

RED said...

sabi ni mother theresa nung tinanong kung anong relihiyon nya: "my religion is kindness."

Jinjiruks said...

bunso sarili mo ba sinasabihan mo nyan na move on?

melody said...

anu ba yang april fools day??

VICTOR said...

Nakakatuwa naman, nakakapa-quote ka ng mga homily!