The Unperfect Oblation

by Wednesday, April 28, 2010 8 palagay

Pagbabalik at pagsisimulang mag-muli. Ito ang aking pagyakap sa langit.

Maraming naging dahilan kung bakit inabot ng halos isang taon ang pagtigil ko sa pag-aaral pero hindi yun naging hadlang para matutunan ko ang mga prinsipyo at aral ng buhay. Sabi nga ng isang manunulat, lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Sa maraming araw na ang tanging dahilan ng pagbangon ko ay ang pumasok sa opisinang sinusustentuhan ang mga pangangailangang hindi maubos-ubos, sa mga panahong kailangan kong isakripisyo ang pagpapahinga at pagtulog para sa mga isinumpang tungkulin bilang youth leader sa simbahan, sa mga minutong pinapalipas ko sa ilang stik ng yosi hanggang sa mga pagkakataong tanging mga bote ng alak ang nakakaintindi sa aking mga katahimikan. Namarkahan na nga akong nagsayang ng panahon ng marami. Kibit balikat. Walang dapat magsabi kung ano ang dapat at di dapat sa pagkakaroon ng mabuting pamumuhay dahil nauubos man ay hindi naman talaga nasasayang ang oras. Hindi ako nanghihinayang sa mga panahong wala ako sa skwela. Marami akong natutunan sa buhay.

Hindi ko kaylanman tinanong ang sarili ko kung handa na ba talaga akong bumaik sa pamantasan sa kabila ng mga responsibilidad ko bilang isang kuya pero ito ako, ang parehong estudyante sa ilalim ng panibagong student number. Palihim ang mga hakbang ko upang makapag-apply muli liban sa iilang taong lubos ang pagtitiwala ko. Madalas kasi, ang mga planong na binobroadcast ko ay hindi nasasakatuparan. Ito yata ang pinakawirdong aral na natutunan ko, ang matutunang isorpresa ang sarili.

Malaking gulo ang pinasok ko sa muling pag-aaral sa pamantasan. Ang pagganap ko ng tungkulin bilang pangalawang ama, uring manggagawa, estudyante ang mga bagay na haharapin ko sa mga susunod na panahon. Maiintindihan naman siguro ng Dyos ang dahilan kung bakit ko bibitawan ang Youth Ministry. Sa maraming bolang binabalanse ko sa ere, ang tanggapin ang katotohanang hindi ko kayang pagsabayin ang lahat ay isang hamon. Maiintindihan ako ng Dyos sa mga desisyon ko at kung magkamali man ako ng hakbang ay malaki ang pag-asa kong patatawarin nya ako. Trabaho nyang patawarin ako. Tayo.

Kahapon ay hinain ko na ang sapilitang resignation letter sa opisina ng parokya. Sulat kamay at walang porma, iniwan ko ang sulat sa palatanong na sekretarya upang maging huling palatandaan ng aking pagiging leader kabataan. Mamamaalam na din ako sa mga myembro't kaibigan. Sinimulan ko na ding asikasuhin ang maraming shit sa proseso ng enrollment. Pala-isipan pa rin kung paano ko maiipon ang halaga ng tuition. Gam zeh yaavor. These too shall pass.


Sa seminaryo ko unang nalaman ang kahibangan ng pag-iwan sa mga bagay na itinuturing kong mahalaga upang magbigay daan sa pagtanggap ng iilang bagay na mas mahalaga. Ito rin ang aral ng mga manlalakbay, hindi mo dapat dalhin ang laman ng buong bahay sa daan. Ito din ang natutunan ko sa mga mga dormistang nakilala ko sa Espanya. Dahil sa daan natin makikita ang mga kailangan natin at sa daan din iiwan ang mga ginamit. Pagkat lahat ay uuwi at uuwi ring walang pasalubong na peanut brittle o walis tambo maliban sa mayamang karanasan at aral. Ang oras ay nauubos pero katulad ng system loss shit ng meralco, binabayaran mo pa din ito. Kaya talo ang hindi matututo.

So babalik na nga ako sa pag-aaral.

Malaking hamon ang pag-aaral sa diliman kasabay ang pressure sa trabaho sa putahan. Idagdag pa dito ang pagbabalik ko sa bahay dahil ang tatay ko ay magnenegosyo sa Subic at si ate ay babalik sa kanyang trabaho sa isang duty free sa dating base militar. Ito na siguro ang simula ng ultimate challenge ko. Jusme.

Student 2010-81321, baon sa utang, bagong gupit at malapit na magdisi-nwebe sa ilang araw. Ganito ko sasalubungin ang bagong kabanata ng buhay ko. Malaki ang tiwala ko sa sarili. Naniniwala akong ngingiti din ang araw sa bayan ko.

Hehe. Sulong.


+AMDG


photo from here.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

8 palagay:

Jinjiruks said...

wala akong masabi. isa ka talagang kahanga-hangang tao. hindi ko alam kung paano mo hinahati ang oras at panahon mo para magampanan ang napakaraming obligasyon at tungkulin sa buhay.

saludo ako sa iyo bunso! kaya mo yan. wala namang ibinigay sa iyo na hindi mo kakayanin.

melody said...

very good talaga ang goal mo!! keep it up

leroy said...

uy, take psych11, comped1, and hum1 para classmates tayo. HAHA

Anonymous said...

baka imperfect.

Yas Jayson said...

@kuya jin: thanks. god bless you.

@melody: wujuu.

@leroy: o sya, sabi mo eh.

@anonymous: exactly. imferpect nga eh. tss.

Anonymous said...

palusot gago

Anonymous said...

hoy, isko ka na? anong kurso? gusto ko ring mag-creative writing jan. para ma-meet ko na si master butch dalisay. haha. ano requirements? wag mong sabihing nag-upcat ka pa?

tangina. andami kong pangarap. eto nga't di pa ko tapos magpaka-gago sa mga numero. hahahay...pakibulong kay papa god wag masyadong mahirap sa board ha. hehe.

all the best sa bagong pakikibaka. 'yun pa rin ba number mo? text kita pag nakuha ko na 'yung tatlong letrang titulo. tas inuman tayo. yeboy!

somelostboy said...

OOHHH. Freshie:)) Four incredible years await you:D