Sa pagtakbo at pag-aatubili

by Friday, June 04, 2010 7 palagay
Nung nakaraang taon, excited akong maging disi-otso anyos. Sinalubong ko ang pagpapalit ng araw habang nakatanga sa station ko, naghihintay ng tawag mula sa mga Kano. Walang nakaka-alam sa buong opisina na espesyal ang araw na yun para sa akin. Lingid sa lahat, tahimik akong nagsasaya.

Isang taon makalipas, palihim kong binago ang petsa ng kaarawan ko sa Facebook. Gusto ko kasing malaman kung sino sino sa mga taong kilala ko ang makaka-alala, gawa na din na ayaw kong maging maingay ang kaarawan ko. Gusto ko ding malaman kung sino ang mga mag-eeffort na itext ako kahit Sun ang number ko. Wala lang, trip lang ba.

Pero fail. Flooded ang Facebook page ko.

This life is always blessed. Thank you friends, these are more than greeting cards. :D  -Facebook status

Di nakalimot ang mga highschool friend na magtanong kung kelan ang inuman at kung saan. Dumagsa din ang mga bati ng mga members ko sa youth ministry. Hindi sa araw na ito o sa linggong ito, ari ko. Tinanggihan ko din ang roadtrip sa Laguna. Ni hindi ako lumabas ng bahay dala na din ng pag-ulan. Nanatili ako sa bahay kasama ng kapatid kong lalaki at ni Amma. Gusto kong maging tahimik ang araw ko. Kasama ng libro, dvd player at maraming tsibog, nagpahinga ako ng marami. Sarap ng vacation leave sa trabaho! :D

Kaya bago pa man matapos ang araw, nagpalit na ko ng numero. Sobrang pressure, globe users and pamilya ko at lahat ng kaibigan. Kaya ayun, walang imposible ulit sa mundo ko.

Halata ba, walang porma ang post na ito? Sa susunod na. Ang parehong ako din naman ang nagsusulat, nadagdagan lang ng isang taon. Kung dati, hinihintay ko ang kaarawan ko, ngayong taon hinihintay kong dumating ang araw na magiging mas malinaw ang maraming bagay.

Sa maraming bagay, maraming salamat. Hindi ito ang panahon ng drama, ng mga lessons learned in life session. Ang buhay, binabagtas, hindi sinusulat.

Hanggang dulo. Habang buhay. Ad majorem Dei gloriam.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

7 palagay:

Jinjiruks said...

belated ulit elias. ako ba nauna bumati sau sa fb.

MartinTC said...

uy belated! ang saya talaga pag naalala ka ng mga taong importante sayo!

Renz said...

belated po :]
ako din triny ko din na hindi magingay na birthday ko nun pero fail pa rin :]
masarap talaga ang minamahal nu

melody said...

may nag-aalala talaga sayu.;-)

TheCoolCanadian said...

Yas:

Belated B-day, my friend.
Welcome to the world of adults.

Yes, thanks "To the greater glory of God," for giving us a meaningful life – a life with a noble purpose – for ourselves and for our fellowmen.

A message, even if it is bereft of drama or intense emotion, can still be equally powerful if it is expressed without diffidence; without a hand trying to reach out gingerly to others; without a feeble voice barely audible to be heard and be understood by others.

Stay the way you are and never allow yourself to become jaded like some cynical, distrusting adults.

Mirabile dictu.
:)

Anonymous said...

anak ka ng! ni hindi man lang nagparamdam o. debut mo pala di mo man lang ako kinuhang eighteen roses? amp!

pibertdei elyas! eighteen ka na. pwede ka nang ligawan. may ibibigay akong manliligaw mo. chinita. haha!

pakantot...er, pakanton ka naman!

citybuoy said...

happy belated birthday! :D