ang makapangyayari sa lahat

by Thursday, June 17, 2010 9 palagay
What conquers all?


May nanloko sa reyna ng tropa kaya kolektibo ang emosyon ng barkada; upang makaganti, maghahanap ang hitman ang iba at ako, uupa ng mga mambabarang.

Nito lang ay pinalitan ni Roma ang status nya sa Facebook mula in a relationship to single. Nadiskubre nya kasi na hindi lang sya ang karelasyon ng boyfriend nya. Ang masama pa nito, mahigit isang taon na ang pagtatago nito sa two-year relationship nya sa isa pang babae. Sabi nga namin, sya ang tanging babaeng hinding hindi mo pagtatangkaang lokohin. Ngunit sadya yatang may tama sa utak ang bestfriend ko. Kumbaga sa babaeng ni-rape ng pogi, hindi na sya magsasampa ng kaso. Actually, masaya ang kaibigan ko sa nangyari. Walang halong feeling ng betrayal. Ni hindi umiyak. Such an empowered woman with great self love. Nakakatawa dahil wala pang limang minuto pagkatapos palitan ang status, hindi bababa sa dalawampu ang nag-like ng status nya at anim na lalaki ang naghihintay ng reply nya sa celphone. Sya na ang maraming suitors.


Masaya ang gabing iyon sa kabila ng balita sa babaeng pinakamamahal ng barkada. Nung gabing iyon naging legal sa barkada ang paninigarilyo ko. 'Di ako nagkamali' sabi ni Henriech sabay abot ng lighter. Swabe. Walang nagtakwil sa goody pakyutsie ng tropa na umaming naninigarilyo din sya.


Nung gabing yun ko din kasi nalaman ang isang balitang magpapabago ng mga daan. Habang nagtatawanan kasi kami sa panonood ng Ruby, tumawag ang ate upang ibalita sa akin na magiging tito na ko. Mahigit isang buwan na syang buntis. Ibig sabihin, may walong buwan na lamang na paghahanda para sa darating na bagong myembro ng pamilya. Masaya ako sa ideya na magkaka-pamangkin na ko. Sa totoo nga nyan eh nagiisip na ko ng pwedeng pangalan ng bata. Pero sa likod ng madumi kong utak naglalaro ang mga tanong at pangamba sa sarili kong kahinaan. Takot at lito ako sa mga magiging bagong responsibilidad bilang kuya ng pamilya.


Ngunit kung ano pa man, ang katotohanan na ang mahigit tatlong taong pagsasama ni ate at ni kuya Jun ay magbubunga ng konkretong katibayan ng kanilang pagmamahalan ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at pananalig na hindi kaylanman nauubos ang mga posibilidad. Sa pag-ikot ng mundo, tuluyan ang pagdating ng bago upang palitan ang mga nauna't lumipas. Natutunan ko ng maniwala sa pagbabago at sa mga bagay na dulot nito. Sabi nga, it is when we accept the whole package that we truly love. Flaws and beauty and all.

So it all boil down to loving. Ang lagi ko ngang sabi, dapat ienjoy ang pagiging single. Madalas din akong lokohin ni Earl at Victor sa i-love-my-self drama ko. Eh bakit ba, I would only go for a person who has self love. I have met many people, er, prospects but most of these people find love because they are esentially broken and hurting. Some are looking for love only to affirm how attractive they are. Some just don't bear being single. These people could not love totally. I think the best lovers are those who radiates an affirmed love to his self. Di ba nga, it is said that we should love others as how we love ourselves. Nilulugi mo sa pagmamahal ang isang tao kung ikaw mismo hindi mahal ang sarili mo. Kaya naman inabot ako ng syam syam upang makakilala ng taong may matibay at konkretong ideya sa pag-ibig.


Kaya ayun, it took another La Sallian to make me realize love is creative. Flaws and beauty and all.




Mapalitan na nga ang status sa Facebook. :)

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

9 palagay:

caloy said...

shet. more emo more fun. :D hahahaha dadating din yun. tyaga lang..o kaya, lumandi ka ng bongga! whahahaha!

Jinjiruks said...

hayz, bunso. nde ka talaga nawawalan ng sorpresa sa akin. akalain mo nakabingwin kna naman. paano mo kaya napasagot yan, siguro sa matatalinghaga mo na namang pananalita.

Dabo said...

haha at kelangan ruby talaga ang pinanonood? bakit hindi Nat'l Geographic. lol =)

Yas Jayson said...

@caloy: tarantado ka. humanda ka sa muling pagkikita! hindi na ko lalandi, meron na nga eh. :)

@kuya jin: hahaha. ipapakilala ko din sya sayo. in time. hehe. di no, nagoyo ko lang. lmao

@dabo: ay oo naman. kaya nga kami natawa dahil sobrang bihira ako manood ng local channel. teehee.

Nimmy said...

napakanta ako bigla ng Greatest Love of All ni whitney houston. hihi

friend ko TL mo. magkatunog kami ng nickname. hihi. :P

JR said...

Love is in the air! bat di ko masinghot hahaha...

lio loco said...

shet! tinamaan ako run sa second to the last paragraph mo a. sapul kung sapul!

goody kyutie ba kampo? pwe! lols!

pakita mo picture ni la sallian o hindi totoong natagpuan mo na ang pukenginang pag-ibig na yan. haha!

lio loco said...

*kamo

Yas Jayson said...

@nimmy: yes, natanong na nga kita. lol

@JR: di yan inaamoy, hinihipo. HAHA!

@lio: eh kelan ka ba kase magpapakita? bobo sa spelling. kawawa