CONSUMATUM EST

by Thursday, July 08, 2010 6 palagay


Umaalis ang mga anak upang habulin ang kanilang mga pangarap, at malao’t madali, maraming magulang ang tumutunton sa duguang bakas ng kanilang mga anak…upang sunduin ang kanilang bangkay at iuwi ang pinakadakilang katibayan ng kanilang pagkatao. – Lualhati Bautista



SA ALAALA NG ISANG BLOGGER, ISKO, KOLBOY AT KUYA.
DAN, FORTES ET LIBER.

Ang buhay ay parang QA audit. Mayroon tayong mga markdowns at coaching opportunities. Meron ding resolved at unresolved conflicts. Minsan ay happy o best call. Minsan naman ay bumabaha ng IR o red alerts. Pero lagi mong tinatanong, sa buhay ba kapag bumagsak, pede magfile ng dispute?



Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo. Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo’y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling! Kung sa U.P. ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, sipsip ka pa rin.

Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan. At ang panghuli:

Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying. - Ryan Cayabyab

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

6 palagay:

lio loco said...

sino si dan? at anong dahilan ng kanyang pagpanaw?

astig na pagwawangis. nakakarelate ako bilang isang ex-kolboy.

Renz said...

at sa UP, mahirap ang exam pero sana pumasa ako. :]
so true. Ang taong paikotikot lang tapos mali pa rin ang binababaan ay taong may sayad :]

Abou said...

anong kalungkutan meron dito? kung meronman sana matapos na...

I am stan said...

nasabi ko nas a phone call mo ang dapat kong sabihin. salamat sa pagdamay din sakin ngayon.


nakakatuwang isipin na may isang unibersidad na hindi kailangan ng libro upang ituro ang mga aral ng buhay. kailangan lang ng malalim na isip para makuha mo ang ibig sabihin ang kahulugan ng mga ganitong bagay.


mabuhay.

wanderingcommuter said...

he will be remembered...:(

Yas Jayson said...

lio: isang blogger at isko. isang mabuting kaibigan.

salamat sa pagbabasa at paghihimay ng yari ko.

renz: haha. yeah.kaya mag-aral ka sa UP. lol

abou: this too shall pass.

edge: condolence din. oo naman. ganito kami sa UP. sana ganito din sa buong bayan. haha

ewik: of course, he will always be.