by
Friday, July 16, 2010
16
palagay
amor ordinem nescit
di na naman in-edit
diliman diliman
pensive bottles
Alam mo nung umaga na pumunta ako ng Vito Cruz para mag-lunch kasama mo kasi sabi mo vacant mo ng 9:20 - 11:30 AM, todo effort akong gumising umaga. Dapat alas dyes ako gigising dahil alas onse ang oral exams ko kaso dahil sabi mo libre ka at pwede naman akong mag-extra mile sa relasyong ito eh gumising ako ng alas otso. Alas dos ng madaling araw ako nakauwi sa bahay galing ng opisina nung araw na yun. Spell effort talaga diba?At nung dumating ako ng before ten na naka-polo with chinese collar sa Mcdo sa harap ng CSB, akala ko nandun ka na. Tama, blue ang checkered polo ko and naka-black pants with black shoes ako sapagkat oral prelims ko sa epistemology. Huli ko na nalaman na 10:30 pala ang tapos ng klase mo. Pero dahil mahal kita, naghintay ako sa Mcdo at nagreview ng mga questions na pwedeng itanong sakin ng prof kong sira-ulo. Imagine andaming batang taga-la salle sa paligid. Di ako makapagconcentrate. Tumunog ang cellphone ko at tinatanong mo kung nasan ako naka-upo dahil di mo ko makita. Heller, nasa likod mo lang kaya ako.
Tinanong kita kung anong kakainin natin. Sabi mo kumain ka na. Okay, so anong oorderin mo? Gusto nya daw ng pink McFlurry at pink McFloat. Kaya umorder ako ng pink McFlurry at pink na McFloat. Dahil di pa ko nag-aalmusal, umorder ako ng cheeseburger meal. Pagdating sa upuan, bigla mong inannounce na kailangan mong bumalik sa press room kagad sabay abot sakin ng dalawang issue ng pahayagang la sallista. Gusto kong kumunot ang ulo pero dahil mahal nga kita, tinanong na lang kita kung nasan sa magazine na yun ang likha nya. Infairness, okay sa olrayt ang drawing mo ng icon ng UE Red Warrior. Ikaw lang ang nagdrawing na anime inspired.
Umikot ang usapan natin sa pagdodrowing mo para sa pahayagang plaridel at kung paano kayo nahihirapan sa pagpoprodyus ng isyu dalawang beses isang buwan dahil sa paglalapat ng lay-out. Naishare ko lang naman sayo na ang Kule ay lingguhan kung maglathala at ang pinaka mahirap na parte siguro ng pagpoprodus ng isyu ay kung paano hahanap ng pambayad sa publishing house. Di ko maakila na maganda ang papel at kulay ng plaridel. Di din naman ako nagmamayabang na wala sa kalingkingan ng Kule and pahayagang plaridel pagdating sa laman at kalidad ng editoryal. Totoo yun. Buti di ka na umangal at inaway ako.
Labing walong minuto lang ata tayong nagkaharap habang kumakain pagkatapos ng isang buwan nating di pagkikita. Papasama pa sana ako sa'yo bumili ng regalo sa MOA kasi alam kong freetime mo kaso di ako pwedeng humarang sa tawag ng pamamahayag. Eh nagmamadali ka kaya. Sa labing walong minutong yun, nakabaling lang sayo ang paningin ko maski umuulan ng maaamong mukha at singkit na mga mata sa paligid. Para akong scanner slash xerox machine sa pagtanda ng itsura mo at kung pano lumubog ang pimpols mo sa lalim ng pamatay mong dimpols. At nung saktong tapos mo nang nguyain ang huling piraso ng french fries, niyaya mo na kong lumabas at kailangan mo nang bumalik. Hinatid kita sa gate ng pamantasan mo, nangakong magpapakabait at dumiretso sa istasyon ng tren upang bumalik sa diliman. Saka lang bumalik sa isip ko na may exams nga pala ako.
At ngayon naman dahil prelims mo, di ka naman nagpaparamdam. Kapag nagtatanong ako, madalang pa sa regla ng bakla ka magreply. Ako naman ang sinusungitan mo. Ano ba to, karma? Sumasakit migraine ko.
Gusto kong sumigaw o kaya magtampo sayo pero di ko magawa. Gusto kong sabihin sa'yong yamot ako na mas matagal pa ang byahe ko kesa sa pagkikita natin. Gusto kong magreklamo kung bakit kapag may investigation ka sa akin eh nagrereply kagad ako pero kapag ako naman ang nagtanong eh walang napupuntahan ang tanong ko. Alam mo kung baket di ko magawang magreklamo at magdemanda sa barangay? Di ko ma-explain pero alam ko kung bakit. Ewan. Sarap mong lasunin.... sa pang-unawa.
Sa dinami-dami ng kailangang isipin araw-araw, dumagdag ka pa. Pero sa lahat ng problemang nakalista sa notebook ko, ikaw ang masarap hanapan ng tamang sagot, kasama ang formula at solution equation.

16 palagay:
nafrustrate ako sa kanya ha. kakapagod ang lolo mo. hmp. affected? hihi.
hwag pabayaan ang studies kuya!
pupuntahan kita sa station mo next week. keri lang? :)
Syempre Kule.
And for the effort, I praise you. The nice guys inherit the earth:D
ganun talaga pag mahal mo ang isang tao. handang mong i-sakripsyo ang lahat maski ang sarili mo mapasaya mo lang siya.
syet effort kung effort.
ano nga yung sem-ender issue ng kule?
real life? wow haha galing :]
Ginusto mo yan di ba. LOL.
nimmy: ikaw na ang uber supporting officemate. haha. thanks!
ay oo. pabayaan na ang lovelife wag lang ang pag-aaral. lol
somelostboy: yeah, Kule syempre :)
thanks. that is a very warm compliment.
jin: exactly. thanks.
orallyours: thnk you. uhmm yung last march? nakalimutan ko na weh. pasensya.
renz: oo naman. real life. ikaw talaga. HAHA!
victor: isa ka talagang supportive na kaibigan. ikaw na.
Sana lang patas. Kasi na-realize ko kahit gaano ka ka-supportive sa isa, kung hindi niya pansin, wala ring halaga.
no, the spoof/satire issue. what do you call it?
red: yes. and the la sallian is silent. talk about communication. sigh.
orallyours: nakalimutan ko na ser eh. check their deviantart account, they have .pdf files there :D
wow - effort kung effort talaga ito. But I love this post! Sobrang honest and raw ng emotions.
Hanap ka nalang ng iba jan. Malay mo nasa tabi-tabi lang. o nasa opisina niyo lang.
eh kasi nga dahil mahal mo, ikaw na lang uunawa at uunawa at uunawa. nalulunod ka na sa pageefort at pagunawa sa kanya, sana hindi ka kitilin ng mga ginagawa nya sayo. sana sapat ang pagmamahal para muli kang buhayin kapag nangyari iyon. :)
iurico: maraming salamat. sadya ang istilo ng pagkakasulat. raw. as in kung paano raw ang kalagayan namin ngayon. :/
haha. sa opisina? bawal! LOL
jepoy dacuycuy: that is.. bitter sweet. thankss!
welcome to my blog.
naks inlababo ka pla di ko alam may lovelife ka na hehehe ibang level..pag di ka na msaya hiwalayan mo ganun lng un..hehehe
Umikot ang usapan natin sa pagdodrowing mo para sa pahayagang plaridel at kung paano kayo nahihirapan sa pagpoprodyus ng isyu dalawang beses isang buwan dahil sa paglalapat ng lay-out. Naishare ko lang naman sayo na ang Kule ay lingguhan kung maglathala at ang pinaka mahirap na parte siguro ng pagpoprodus ng isyu ay kung paano hahanap ng pambayad sa publishing house. Di ko maakila na maganda ang papel at kulay ng plaridel. Di din naman ako nagmamayabang na wala sa kalingkingan ng Kule and pahayagang plaridel pagdating sa laman at kalidad ng editoryal. Totoo yun. Buti di ka na umangal at inaway ako.
- HAHA. oo nga naman. weekly pa nga Kule. pero never pa din syang naging successful. haha
rico: yeah. and love, just like all, for me, is passing. teehee
lee: okay. thanks.
Post a Comment