finding/waiting
Sabay tayong tumingin sa unang aurora
sumilong sa payong na yupi
iwan ang takot
at sandaling bumalik sa mundong
gawa sa usok at mga kwento.
Ayoko ang naiiwan.
Isama mo ko
kahit parang sa isang bayaran.
Takot ako sa mga parirala't pangungusap
lalo kung malakas ang buhos ng ulan.
Di mo to alam.
Pero alam mong meron nito.
Pwede tayong umibig-
sapat, sobra, marahas, banayad
at sakto lang.
Bumalik ka dito.
Basahan mo muli ako ng mga tula
Samahan mo akong maghintay ng hinahanap.
H'wag mo kong iwan.
Lima limang guhit, pira-pirasong sulyap.
mga eksena sa kwadradong binabalikan,
mga patagong pangangarap.
Madalas, kailangan sakto lang
ang paghihintay at paghahanap.
(tula sa sinoman.)
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.


5 palagay:
nice! super love this line - madalas, kailangan sakto lang
ang paghihintay at paghahanap :)
ang galing mo talaga :)
gandang umaga elias!
A poem never ceases to convey what the heart truly feels.
This is subtle yet reassuring.
galing! ;)
meron ka bang English version nito... tingin ko maganda ito sa english, tingin ko mas ramdam sya hehe...
Post a Comment