Huli kitang nakasama noong nakaraang linggo. Suot mo ang paborito mong shorts na pang-alis, nandun pa rin ang mantsa ng bolpen na kagagawan ko. Isang bagay lang ang nakapanibago sayo nung gabing yon. Magaling na ang sugat na tinahi sa kaliwa mong pisngi. Nakakalibog nakaka-ibig ka na ulit ngumiti. May sugat ako ngayon sa braso, naalala ko tuloy ang mga binili mong band aid. Isang kahon ng kulay yellow. At isa pang kahon na kulay blue. Ako nagpapalit ng takip sa tahi mo kapag dumarating ka. Wala, naalala ko lang.
Pano ba wakasan ang isang magandang mailking kwento? Sa pagwawakas ba ng isang talata natatapos ang isang magandang kasaysayan? Pinipilit kong alalahanin ang mga detalye. Siguro sa tagal ko na ring nahumaling sa mga ala-ala mo, nawala na ang orihinal na bersyon ng mga nangyari.
Kailanma'y di naging isyu sa akin ang kung sino ka. Kuntento ako sa payapang binibigay sakin ng katahimikan tuwing magkasama tayo. Nangako akong iibigin kita kasama ng mga bagahe mo. Pero may dapat kang simulan. May dapat kang ayusin. At ako, may kailangan akong tapusin.
Pero higit kaylanman, hindi ko kakalimutan ang aking Setyembre.
Kaya, paano nga tinutuldukan ang isang maikling kwento?
Sa salitang di hihigit sa sandaan, ganito kita iniwan.
Ikaw ang pag-ibig ko sa panahon ng tag-ulan. Ikaw ang nagmulat sa akin sa payapang taglay ng paghihintay sa pag-tila nito, sa ligaya ng paglusong dito. Tapos na ko sa kasaysayang sinulat natin sa pagtatapos ng Agosto. At ngayong kailangan kitang paliparin tulad sa tutubing napatid sa patibong ng isang bata, hindi kita malilimutan.
Salamat sa malalamig na gabi ng Setyembreng ating pinagsaluhan. Pina-ibig mo ako ng wagas at lubos. Iibig akong muli. Mas wagas at higit na lubos.
Maraming salamat. Panibagong simula, lumipad ka.


6 palagay:
uhm, broken vow ba ang theme ng post na ito. so sorry to hear this.
wow!
"And it came to me then. That we were wonderful traveling companions but in the end no more than lonely lumps of metal in their own separate orbits. From far off they look like beautiful shooting stars, but in reality they're nothing more than prisons, where each of us is locked up alone, going nowhere. When the orbits of these two satellites of ours happened to cross paths, we could be together. Maybe even open our hearts to each other. But that was only for the briefest moment. In the next instant we'd be in absolute solitude. Until we burned up and became nothing."
- Haruki Murakami, in Sputnik Sweetheart
You will Yas =) And it will be more beautiful and amazing than anything you've ever experienced.
Kane
Lubha kong napakasaya para sayo kaibigan! :)
ayiiiii!!!!! nagniningning ang mga mata mo please!!!! ayiii!!!! yihhhheeeeeee... chos. uy anu na nga ba yung pinapabili mo sa akin?!
Post a Comment