Maikling tala tungkol sa buwan ng Mayo

by Thursday, May 31, 2012 1 palagay






Pipinid ang gabi at
lalatag ang panibagong araw
dala ang mga ala-ala mo
ng mapulang lansangan ng Plaza Miranda
ng pag-asang hinugot sa Malate
ng masasayang lakarin ng Binondo
at ang matitingkad na kulay
ng dalampasigan ng Bolinao.


Dumating kang dala
ang ulan sa iyong sinapupunan
at lilisan ring madali
katulad ng paghampas ng alon
sa maitim na buhanginan ng Lingayen -
rumaragasang darating kasama ang alon
uuwing banayad, marahang marahan.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.