kung iibig ka
Hayaan mong bihagin
ka ng kanilang karukhaan
ng kanilang kakapusan.
Sila ang ibigin mo.
Tahimik mong iaalay sa kanila
ang iyong buntong hininga
ang iyong dismaya
bawat galit at poot
ialay mo ang bawat ngiti na mayroon
isang ngiti para sa manang na magaspang ang kamay
sa paslit na uhugin
sa lolang walang ngipin.
Ipunin ang galit sa lahat ng nakikitang
pagkaganid
pagkabigo
at sa pagkarami ng balakid.
At pagka-ipon,
masahin
haluan ng sariling pagkabagabag
saka ipasok sa hurno
upang maging pag-ibig.
Kung iibig ka,
ibigin ang sila
na hindi makapagbabalik ng parehong pag-ibig
sapagkat sapat na ang ngiti ng isang maralita
upang ibalik ka ng Dyos sa langit
o ibalik ang mga piraso mong nawala.
Kung iibig ka, ikaw talaga ang iniibig.*
Pasintabi sa katha ni P. Villarin
-------------------------------------
Sumpa ng trabaho ko ang mabagabag. At biyaya.
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.


2 palagay:
Maraming salamat sa pagpapaalala.
Kung iibig ka, ikaw talaga ang iniibig.
Mapalad ka.
makata! #YouAlready! :)
Post a Comment