Anong Oras Na?

by Saturday, December 15, 2007 5 palagay
I.
Katatapos lan ng aming Christmas party celebration at sa wakas ay bakasyon na. Ako ang nag-emcee with Harold kaya tumbling moment na ang lahat. Naibalik na uli ang aking mahal na selpown at nakinig sa di inaasahang speech ng aking ina tungkol sa anak nilang seminarista. Halos matunaw ako sa speech ng nanay kong ma-drama na mala-patama sa anak nilang di ala kung tatawa, iiyak sa isang sulok o pahihintuin ang inang nagkukwento sa mga bagay na hindi ko inaasahang maikukwento sa sangkatauhan. Pinili kong ngumiti na parang aso, tanda na mahilig talaga akong magtago ng mga nararamdaman. Sa loob-loob ko isa akong speechless na isda na di alam kung magpapapsalamat sa tubig o manunumpa. Basta, isa akong kandilang natutunaw sa mga binitawang "unprepared previlege speech" ng nanay ko kasi pati sila, nakakak-relate. Touch daw sila kay Mama at Papa. Ay ewan basta alam ko wala na akong maibubunyag kasi yun na yun eh. Galing pa sa nanay ko. Pagkatapos ng program, kinamayan ng mga matataas na kalibre ng mga kaparian telling me that my Mama is great and I am a great son. Hanudaw? Etchas goody pakyutsie na naman ang aura ko. Yung pinagpupuyatan kong video documentary na tapos ko nang i-edit ay ayaw mag-save dahil daw sa pesteng internal virus infection. Mala-AIDS daw ang lagay ng pc dati pa kaya pala mabagal mag-start ang windows. Sayang lang ang pagbuhos ko ng maraming oras, talent, lipids at mga puyat para lang mai-edit pero nung tapos na at sa di namang nagyayabang eh ashteeg-level na video eh tsaka ko lang napagtanto ang isang bagay na ganun kalaki ang epekto sa pinaghirapan ko. Naknampating nga oo...

II.
5 magigiting at maprinsipyong seminarista lang ang naiwan sa mga dorms ngayon. The rest? Gala ng Katipunan. Barhopping, chat, socializing (huwwaaatt?) at mga gimik. Buti na lang si mabait na tandang manong ang bantay kaya pwedeng-pwedeng lumabas. Paano lumabas? Simple. Nakipag-ninja mode sa superior naming nasa dakong dilim ng kanyang office at naghihintay ng mga anyo ng seminaristang tatakas at tatalon sa likod ng labahan at gumala. ANg saya kasi para kaming mga terorista na naghihintay sa kanyang mapagod at matulog na. Nagwagi kami at nakalabas. At eto, sinasariwa ang kalayaan, kapangahasan at mga bote ng sanmig sa isang maingay na bar sa xavierville ave.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

5 palagay:

BURAOT said...

hokey mga banat mo tol. mala-hudas ka nga. naalala ko tuloy nung nag oober da bakod kami nung hayskul hehehe..

sigurado ka bang 16 ka lang? parang magka edad lang tayo hehehe..

mala-hudas.

arjay said...

bakit kaya mahilig mambisto ang mga nanay? hehehe

Bryan Anthony the First said...

wow aga ng holiday nyo ha!

have fun though

happy holidays!!

woof!

aleli said...

waaaah!! astig na pagtakas!! naku ang saya ata maging takas...

Dear Hiraya said...

pag nanay siguro talaga ang nagsasalita patungkol sa anak maraming nasasabi at nagiging emosyonal.. o well.. nanay nga di ba?

http://hiraya.co.nr