May mga NBI dito sa suki kong cafe.

by Tuesday, January 29, 2008 2 palagay
"Pa-rent. Yung may internet" (huh? as if na mang magpaprent ng pc na walang connection...)

after 15 mins...

"Ayun ang tirador...yun yun! Boss, pwede bang ipa-slowmo tung streaming ng video? Ayun, yan yung amateur video nung Ameriko. Nakita mo? Yang nagwiwithdraw. Oo yan nga. May baril o. Anu yan? Ah... .45. Oy boss, anu ba, pwede bang pabagalin tong video?"

"Hinde ho. You-tube po yan eh."

"Ay oo nga pala.."

Nakakaloko ang buhay dito sa cafe. May apat na pulis na nanonood ng You-tube. Crime scene yata ang pinapanood nila. Grabeh ang ingay ni Pulis na mataba! Akala mo nasa bakbakan. Ahehe Tinitignan nila yung footage ng isang pagnanakaw sa isang bangko. Di ko na ulet tinignan baka mapagkamalan akong kasabwat. Pero enjoy makinig sa kanila. Parang kang nanonood ng CSI: New York.

" Kita mo yan pare, yang chikas na yan ang front nila. Ayan ayan o, kita mo? Yung burat!"

[...]

Haays... eto na naman ako. Pumasok nga akong Trigo, lumabas din dahil sa tinding yamot. May quiz pero binigay ko na lang kay Kenn (CSsR) yung sheet ko at yung bag. Puntahan nya na lang ako sa library kapag tapos na. Next subject, Chem. Di na ko pumasok. Ayaw na! Si Estacio parin naman ang aming guro. Ganun at ganun pa rin naman eh.

Kaya eto, umupo ulet sa harap ng monitor, nag-surf...nangarap.

Kuya Rex: Boss time na po kayo..
Mamang pulis: Ay ganun ba? Tara mga kasama,next time na nga lang ulet.

[yas]

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

2 palagay:

wanderingcommuter said...

wala kaya silang internet connection sa opisina???hahaha

Bulaang Katotohanan said...

nagreresearch ang mga mamang pulis sa youtube? tsk tsk tsk