Of Staying Home and Nilagang Baboy.

by Monday, March 24, 2008 2 palagay
Di ako naka-alis ngayong araw. Alas-kwatro dumating sila Mama galing Bulacan at kelangan pang pumasok nila Hana at Habi sa school. No choice ang dakilang tambay, gumising at magprepare ng kakainin at ng gamit ng mga papasok. Sa sobrang pagmamadali ng mga taong umalis ng bahay, nakalimutan akong iwanan ng pera papuntang u-belt. Maghahanap ng eskwelahan. Kaya no choice, naiwan ako sa bahay at natulog ng natulog hanggang tanghali. Pagkatapos kumain, natulog ulet. Tsktsk nagalit pa si nenem saken. Di ko nasamahan si Roma sa Bun's and Patties. Bukas na lang kami lalakad ni Leroy. May bigla raw kasi syang gagawin. Sa seminaryong tag-lagas kami magkikita. Kukuha ng clearance bago gumala sa Maynila para maghanap ng school na tatanggap sa ameng mga kick-outs dahil sa simpleng mga dahilan (ako nga di ko alam kung may dahilan ba talaga...). Ayaw ko na sanang bumalik kasi nagpunta nako dun nung Linggo. Dahil wala pa si Bro. Bruno at wala pa akong pagbabayaran, nagpunta ako sa mga dorms. Marumi na ang buong compound kasi lagas lahat ng mga puno. Parang abandonado. Di na ako nagtagal sa kakapasyal (w/ is illegal kasi di na nga ako seminarista.) Di ko kaya. I still linger on memories.


Sa maniwala kayo sa hinde, ako ang nagluto ng hapunan. Nilagang baboy. Ahehehe masarap naman daw sabi ni Mama. Tsktsk...alam ko masarap talaga yon...iba na ang inspirado con desperado.


Bukas ako maglalakad ulet. Kasama si Leroy. Ang call time eh 8:30 sa lugar na tinuring naming tahanan na namen. Kaso iba ang ikot ng mundo para sa mga tulad naming di magpapatuloy pansamantala. O kaya permanenteng di magpapatuloy. Kung ano-ano kasi ang pumapasok na sa isip ko...


Magulo ako ngayon. Di ko alam hanggang kelan ako magiging ganito.


Bahala na.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

2 palagay:

wanderingcommuter said...

medyo nararmdaman ko nga na magulo ka...hehehe!

Anonymous said...

yeah. bahala na nga.