Jaywalker at ang Pambansang Awit

by Tuesday, March 25, 2008 4 palagay
"Bayang magiliw perlas ng silangan,
Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig di ka pasisiil..."


Sa giliw kong bayan ng Marikina, di ka basta-basta makakatawid ng mga daan. Lalo na sa highway. At kung aakalain mong lulusot ang mga excuse na "naiihi/ natatae na po ako kasi sir eh" o "sorry sir di na po mauulet...(sabay iyak)" nagkakamali ka. Dahil ako, isang pasaway na taga-Marikina at isang kabataang sumisigaw ng pagbabago eh isang biktima ng sariling katangahan.


Pinituhan ako.


Patawid na kasi ako ng hi-way papunta sa linteek na opisinang pagbabayaran ko ng due ni Mama. Inikot ko ang buong palengke ng Marikina at sa isang desperadong pagkakataon eh nakita rin ang nagtatagong opisina. Sa kabila ng hi-way ang building. Walang pedestrian. Dalawang blocks pa ang layo kaya walang atubiling gumana ang instinct ko. Tumawid si Elias at sa pagtapak ng dalawa nyang paa sa kabilang dulo ng kalye, may narinig syang pito.


PPRITTT!!!!!!!!!!!!!


Alam kong may nakakita sa akin pero kunyari wala akong alam. Dedma. Lumakas ang pito at di ko na kayang magbingi-bingihan pa. Kumamot na lang ako ng ulo at sumunod kay mamang trapik enforcer. Binigay ako sa isang matabang babaeng enforcer din at sya ang nag-interrogate saken.


Basahin mo to.

Ano po ito?

Estudyante ka pa naman, edi batas! Ordinance yan na di mo sinunod.

Ah ganun ho ba? Pasensya...Nakita ko lang po kasi yung opis na yan (sabay turo sa building) tapos na-excite po ako kasi ang tagal ko na po yang hinahanap..."

So what?!! Basahin mo yan..no exemptions.
Dahil hindi ako nakapasa sa sungit powers ni matabang enforcer, binasa ko yung tinuro nya..Uuuy may nakabilog! Violation to this ordinance will be subjected to a fine of Php 100.00 or a community service amounting to 2 hours of total work hours. Nagulantang ako kasi naka-express yung Php 100.00. Ahehehe sabi ko tuloy kay ate na wala akong pera. Wala daw problema sabay turo sa akin ng pink na walis at pink na dustpan na mas malaki pa saken. Dahil sa pakiramdam ng isang naaganas na nationalism sa katawan ko, humanda ako para sa isang matinding digmaan laban kay ateng lady enforcer.



Eh ate, ang pagkakaalam ko di saklaw ng ordinance na ito ang mga underage... hindi kasi stated dito ang age at sa pagkakaalam ko kapag ganun, applicable lang ang ordinance sa mga nasa legal age...di ba?!!?? oha oha...
Gumana ang powers ko na alam kong may pagkakamali din. Pero no choice ako ehehehe. Natulala si Ate at dahil dun, afetr ng tatlong minutong pagtitig sa akin sa pagaakalang matatalo nya ako sa titigan, wala din syang nagaw kundi ipasa na naman ako sa isa pang enforcer- sa kanilang big boss. Sya daw ang kausapin ko.



Hi madam, sorry po ah...kaso po di po ako pwedeng magbayad o mag-community service kasi 16 pa lang ho ako...anong pwede kong gawin as punishment sa violation ko?
Matagal nag-isip si ate...mga apat na sigundo. At pagkatapos ng may kahabaang pagsesermon, pinakanta nya ako ng pambansang awit.



"...Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
buhay ay langit sa piling mo...
Aming ligaya ng pag may mang-aapi,
ang mamatay ng dahil sayo!!!!"


Nakuntento ata si Ate sa boses kong pang-alas 9 ng umaga. Dahil muka na rin akong tanga sa dami ng taong makapakinig sa libre kong concert, hinayaan nya na ako at pagkatapos, pawisang naghintay sa mahabang pila sa cashier ng opisina.


Kinuwento ko kay mama ang nangyare saken. Una natawa sya at naalala nya raw nung muntik na silang dalawa ni Papang gawin din yung ginawa ko. Pagkatapos, habang kinukusot ang t-shirt kong "It's cool to serve!", pinagalitan nya ako at nagsermon an mas mahaba pa sa sermon ng traffic enforcer sa may bayan.


Moral Lesson: Alamin muna ang pupuntahan sa nanay mo para di ka maligaw.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:

Poipagong (toiletots) said...

haha. nangyari na sakin yan minsan nung rumaraket ako ng tutorials sa may alabang. Madami silang hinuhuli sa isang araw sabay sabay mag panatang makabayan. hehehehe.

Angel in the Sickroom said...

hahaha! Grabe nakaka-aliw basahin. Walang ganyan dito sa amin sa Cagayan de Oro kaya kahit saan nagsisitawid ang mga tao.

Ano kaya kung may mga traffic enforcers na ganyan dito sa Cagayan? Siguro palagi ka nalang makakarinig nang Bayang Magiliw hahaha!

odin hood said...

hahahaha ganun pala yun... buti na lang lagi ako sa tamang tawiran tumatawid kahit na malayo kasi medyo tatanga-tanga rin ako sa pagtawid.

Dakilang Tambay said...

tama ka jan! buti na lang marunong ako tumawid sa tamang tawiran! apir