Sa Pagitan ng mga Bote

by Wednesday, April 02, 2008 0 palagay
I. Nung Linggo. Nagyaya si Bro. Jenny sa Bonfire. Andun din si Ken, kapwa kick-out, si Bros. Ryan at Irvin. Di ko alam kung anong relasyon meron ngayon ang mga tao. Basta ang alam ko, that was an enlightening night. Naliwanagan din ako ng konte. Dahil yata sa singer na kumanta ng "Ironic" ni Alanis...ganun nga ata ang buhay, sobrang ironic...


II. Outing ng tropa sa skul. Khewl! Ahehe na-miss ko sila...si Mr. Sembillo maski kelan talaga pasaway.Siguro gumulong yun pauwi sa sobrang katakawan sa alak. Maganda yung resort...tuwang-tuwa kami ni Nato sa "bumubugang" pagong. Nalunod pagdaus-dos sa slide sila Ryan at Dado...Yes, mas madami akong pogi points sa kanila nung hapong yon.


Nagstay kami sa Kampo Karingal...kila Adam. Enjoy. Maski kami ay mga alipin at mga naghihirap dahil sa kakapusan ng pera. Next stop sa May (hopefully: Zambales...sa rest house nila Nato)


III. Family swimming kasama ang pamilya ng bf ni ate sa clubhouse. Ahehehe di ako makapaniwala, magkakaharap kami nila Mama, Papa, Ate, Jessa, Julius na uminom ng San Mig... ayos na sana ang moment pero nangingitim na sila Hana at Habi...kailangang pwersahing iahon.




*Natutunan: Maraming nangyayari talaga kapag umuupo ka at naghihintay sa katahimikan. Di mo namamalayan, bigla mo na lamang maririnig ang mga salita at boses na kakalinga sa yo...


Totoo. Napatunayan ko.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: