naalala ko...
habang nagbubuklat ng dvd collections, nalaglag ang isang picture ni mama. di ko nakita yung pagkalaglag pero pinulot ng bunso kong kapatid yun picture sabay bulalas, "si mama oh!"
dahil may konteng ka-praningan sa utak, akala ko nagparamdam ang nanay ko kay Hana. potek, piktyur lang pala yun.
malakas ang hangin nun, may bagyo yata. parang may instant erkon ang bahay sa sobrang lamig ng hangin. dahil halos lahat na rin naman ng collection sa bahay e napanood na namin, hinayaan ko na lang na ulitin naming panoorin yung BEE movie. syempre no choice dahil yung mga kapatid ko ang manonood, umupo na rin ako at nakikain ng mainit na turon. nanonood kami, hawak pa rin ni hana yung picture ni mama.
"tabi mo na yan..."
ewan ko ba at biglang nagtanong ang magaling kong kapatid,
"kuya may erkon ba sa heaven?"
ngumiti lang ako. potek, anung sasagot ko dito?
isip.
"uy kuya, ano nga?"
dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya at wala rin namang dapat isagot, nasabi ko na lang,
"meron siguro.. pero di ko din sure. yaan mo, kapag nagpunta ko dun, sabihin ko sayo..."
lusot na sana..pero hanga ako sa inosenteng pananaw ng kapatid ko.
"meron kaya... kasi special yung mga nandun. kaya sure malamig dun. di pa naman dinala ni mama yung sweater nya. sisipunin yun.."
dala ng pagkamangha, nanahimik ako.
mas maraming alm ang kapatid ko kesa sa akin.
simple pero swabe.
natigilan ako nun. biruin mo, maliit na bata eh meron ng pananaw tungkol sa kabilang buhay. napaka payak pero nun din, naramdaman kong natanggap na ng kapatid ko na wala na ang madaldal nyang nanay.
natigilan ako nun. biruin mo, maliit na bata eh meron ng pananaw tungkol sa kabilang buhay. napaka payak pero nun din, naramdaman kong natanggap na ng kapatid ko na wala na ang madaldal nyang nanay.
ano bang meron sa langit?
teka, may langit ba talaga?
matagal ng pinagtatalunan ang gantong isyu.
mas matanda pa sa lola ko sa kanununu-nunuan ang pagtatalo jan.
pero kung ako ang tatanungin, di ako palagay sa sagot na "meron".
minsan kasi, nag-aalangan ako kung totoong may kasunod na level ang paglagi ko sa mother earth.
meron nga bang langit?
sabi ni Hana, meron pa nga daw aircon dun.
meron man at wala, di naman mahalaga sa akin.
sabi nga ni ignacio, na katulad din sa naging pananaw ko, hindi ako naniniwalang may dyos dahil takot akong magpuntang impyerno o kaya naman ay dahil gustong kong makasiguradong may mapupuntahan akong langit pagkamatay ko.
"kuya may erkon ba sa langit?"
dinadalaw akong muli ng aking sariling mga pananaw sa buhay.
kasama ng mga tulirong pag-angkin sa maraming responsibilidad, pilit kong hahanapin ang mga kailangan kong balikan.
magulo ang isip ko dahil sa puyat. walang matinong maibubulalas ang isang taong tulad kong binubuhay ng kape sa gabi.
may aircon nga ba sa langit?
paki-sabihan naman ako... para may maisagot akong matino kapag tinanong ako ni hana sa susunod.
6 palagay:
ayos din yung kapatid mo ah! hehehe.. kung ako man yung nasa kalagayan mo, baka tititigan ko yung kapatid ko at sasabihing, "Hanep! Pacheeseburger ka naman! Hahahaha!"" -pilit na joke! hahaha
kahit man ako, hindi ko alam kung masasabi ko ngang may heaven. Magulo kasi ang utak ko pag yan na ang pag-uusapan. Pero naniniwala akong may Diyos. Hindi ko nga lang din alam kung gaano katatag iyong paniniwala kong iyon.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Hi, just want to air my bitchiness and 4give me 4 d word. Recently, I asked help from Kevin of http://pinoyteens.net, +639153815289 (mobile number)/ +63822440610 (landline number) with an email address service@pinoyteens.net and YM i.believe_11 who lives at Luzviminda Village Waling-waling St. 211-B, Ma-a, Davao City, Philippines, to help me with my domain (http://honeyreyes.com) since I am stupid with its technicalities in wordpress. He said he has helped a lot of bloggers for free yet I opt to give him a little reward just to help me so through gcash I sent a small amount of money (500php) even before he started to modify or edit something. I wanted to change my layout into Bradford magazine. I kept my patience coz every time we chat in YM, he has a lot of things to do in his globally famous site. I grew out of patience when after a week of not being able to post an entry or edit my own blog, he gives this message in YM that he lost his globe sim. We had an agreement he would help me for a month now, I sent him the money more than 2 weeks ago. I kept on sending him messages in YM but no reply from him even if he was online until Saturday night. I could not see him online anymore in YM which is quite unusual. I was able to rung his phone Monday morning (Aug.4) but now it’s turned off.
I do not care about the money I just want my blog back because I cannot post an entry. If he cannot help me change its layout, he should have been honest from the beginning. I promised to give him 1,000php after he finishes all the changes, that was our agreement.
ALL I WANTED WAS TO CHANGE ITS THEME TO BRADFORD MAGAZINE. I AM SO STUPID I COULD NOT DO IT ON MY OWN. I SHOULD HAVE STAYED WITH MY OLD THEME AND NOW I CANNOT EVEN BLOG ANYMORE. MY NEW POST WON’T BE PUBLISHED.
I AM POSTING THIS COMMENT TO GET KEVIN PAQUET’S ATTENTION! GIVE ME THE ID AND PASSWORD SO I CAN DELETE THE UGLY BLOG YOU SAID YOU TEMPORARILY LAID OUT FOR.
“MADALI AKONG KAUSAP. I TOLD YOU THE PREVIOUS DAYS JUST BRING BACK MY OLD BLOG AND I WON’T REQUEST FOR ANYTHING ANYMORE SINCE IT IS OBVIOUS YOU CAN’T HELP ME. YOU HAVE PUSHED ME TOO FAR BRO, THIS IS THE ONLY WAY I CAN GET YOUR ATTENTION SINCE YOU KEEP ON IGNORING ME. I KNOW MONEY IS NOT AN ISSUE FOR YOU TOO. HOWEVER, YOU SHOULD HAVE KEPT YOUR WORD.”
If possible I hope you would repost this in your blog to get his attention and tag 10 more bloggers. I JUST WANT MY F*&%ING BLOG BACK!
Sorry for the disturbance, just can’t hold my anger anymore. I am really sorry...
may aircon ba sa langit?
ang mabilis kong sagot dyan - 'wala'.
siguro alam naman natin pareho na meron talagang 'aircon' at meron ding 'langit'. ('meron', meaning 'it's real' o 'verified ang existence' nito.) yun ay simpleng katotohanang nakita at napatunayan na natin mga tao na nandito sa lupa (may pinaniniwalaan mang Diyos o wala).
kung may magpilit man na magsabing 'wala daw langit', opinyon na lang nya yun. at kung sa akala nya ay ang nakikita nya pala pag tumitingala sa mga ulap at mga bituin ay hindi langit, ayos lang na wag ng makipagtalo dun. pero kung ma-tyaga kang makipag-pilitan, ok lang din. n_n
pero bakit ko ba nasabing walang aircon sa langit?
yun ay dahil .... hindi yun kailangan dun!
ganito kasi. ang purpose di ba ng 'aircon' ay para i-modify ang kondisyon ng hangin, either para lumamig, uminit, o kaya ay tamang ventilation lang ng air temperature saka yung humidity ng lugar. maling konsepto na dahil airconditioner ay puro pagpapalamig lang ang gamit nun. kung nasa bansa kang nag-iisnow sa labas ng bahay mo, magagamit mo ang aircon para painitin naman yung area mo.
at kaya naman nasabi kong walang aircon sa "langit", dahil syempre saan mo ipa-plug yun?! lols.
pero seryoso. kung pamilyar ka sa laman ng bible na batayan ng mga mananampalatayang kristyano, dapat mong malaman (kung isa ka dun) na "maraming mga langit" (Gen 1:1 = "heavens" (plural); Neh 9:6 = "langit ng mga langit")
at sa katunayan, may binabanggit pa sa bagong tipan na si apostol Pablo ay inagaw o nakarating hanggang sa "ikatlong langit"! (2Cor 12:2).
bakit ikatlo? dahil nga kasi, yung natatanaw nating mga tao na "langit" mula dito sa lupa ay "unang langit" pa lang. kaya kung i-aanalyze natin, ang nasa pagitan ng una at ikatlong langit, yun ang ikalawang langit.
personally, ang alam kong napuntahan ko pa lang ay ang 1st heaven. nakasakay kasi ako nun sa eroplano.
yung 2nd heaven naman, hindi ko pa narating yun kaya hindi ko alam. sa palagay ko, yung mga anghel na nakarating na dun ang magandang tanungin.
pero dun naman sa 3rd heaven, na sa libo-libong pahina ng bible ay si apostol Pablo lang nakapagsulat ukol sa impormasyon na ito, maganda siguro kung sya ang matanong natin kung may "aircon ba dun o wala", dahil nakapunta na sya dun. kaso nga lang matagal na yun at patay na sya. hindi rin nya nabanggit sa sinulat niya ang tungkol sa aircon. Hindi kasi allowed si Pablo na banggitin yung lahat ng mga nalaman nya nung nakarating siya sa 3rd heaven o Paraiso (2Cor. 12:4).
Pero kahit na ganun, kompyansa ako sa sagot ko na "walang aircon sa langit" (kahit sa una, ikalawa, o ikatlong langit pa) ... dahil nga hindi naman kailangan ng aircon dun.
nasa tamang kundisyon kasi ang lahat ng mga bagay na nandun. hindi na kailangan ng climate controlling device, HVAC, aircon, o kung anopamang tawag dun. dahil nga nasa "maayos na kondisyon" ang nandun at hindi na kelangan pang i-alter o i-modify.
ang natitiyak ko, maganda dun. at hindi ka sisipunin dun o giginawin kung wala ka man dalang sweater. kung paano ako nakatiyak, yun ay dahil sumasampalataya ako sa salita ng Diyos na hindi makapagsisinungaling (Tito 1:2).
1Cor 2:9 - Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
(Note: Yan ay sagot ko lang naman. Pero tiyak na mas marami kang matutunang iba pang mga bagay kung itatanong mo mismo kay Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan.)
i used to imagine marami toys at pagkain sa langit kaya nung bata pa ako gusto ko na mamatay
ang ganda ng pagkakasulat. may matching background music pa. :)
may aircon nga ba sa langit?
hindi ko rin alam.
dahil sa totoo lang ang paniniwala ko, ang langit ay lugar na puno ng kapayapaan. para sa akin, hindi siya pisikal, bagkus, isa siyang estado - a state of being. kaya sa pakiwari ko, pwedeng magkaroon ng langit sa lupa, may aircon man o wala. =)
Mayroong langit, ngunit walang aircon doon!
[Dito lang sa lupa kailangan ang aircon dahil pilit nating pinapainit ang mundo. Pinapainit natin ng ating di pagkakaintindihan,pinapainit natin ng ating kapalaluan, at pinapainit ng ating pagkamakasarili.
Teka maiintindihan kaya ni Hanna ang mga ito? Maaaring ngayon hindi. Pero balang araw mauunawaan nya rin ito, at tuluyan nya na ring matutuklasan ang mga kasagutan sa kanyang may-katalinuhang tanong sa iyo.]
Post a Comment