usapang prinsipyo.

by Monday, July 21, 2008 2 palagay
"wala kang prinsipyo."

di ko ugaling umiyak. lalo na kapg bagong gising.
ang natatandaan ko, ang huling iyak ko nung nasa ambulansya si mama.

nung nakatalikod ang ate ko at si tita.

pero sabado ng alas-onse ng gabi, unti-unti akong natunaw kasabay ng pagtambay ng mga salitang yun sa isip ko.

"wala kang prinsipyo. lahat ng sinabi mo, walang kwenta."

eksakto. bagong gising si elyas. bonggang pagsalubong kasabay ng pag-alis ng muta.

peste. wla akong nagawa. naiyak ako.

hindi hagulgol.

yung tulo-tulo lang ng luha.

pinunas sa naka-pulupot na sarong sa leeg, hinayaang dumikit sa kukote ang tatlong masasakit na salita.

"wala kang prinsipyo."

matagal bago ako sumagot. inisip ang mga salitang dapat sasabihin.

pero walang nangyare, hindi ako nakapili ng mga maayos na salita.


"meron akong prinsipyo. wag nyo kong huhusgahan kaagaad. marami din akong pangarap ah. akala nyo ba ginagawa ko to para sa sarili ko? hindi nyo lang alam kasi kung anong mga plano ko. hindi ako naging makasarili. may prinsipyo din ako."

aalis dapat ako. pero mas maayos siguro kung wag muna. afterall, hindi ko naman talaga ugaling magtanim ng galit sa tatay ko.

naiintindihan ko kasi sila. kaya in as much na pwedeng ako ang sumalo ng drama, gagawin ko.

pero nung oras na yun, hindi ko natiis ang sarili ko. naghahanap ako ng makikinig sa akin.

pero wala.

katulad ng dati, ako na rin ang yumakap sa sarili kong pagkalungkot.

nakinig sa sarili kong mga hinaing.
dumamay sa sarili kong lumbay.

ganun ako lagi.

nabadtrip lang kasi ako nung sinabi yun sa akin. mas masakit kasi galing sa mismong tatay ko.

hindi ko alam kung dahil lang sa lasing sya ng konte o dahil sa wala na syang masabi sa kaya nya nasabi yun sa akin. sabi nga rodel, parental pschycological tendency lang daw yun..paraan lang daw ng isang magulang para paalalahanan ang isang anak.

pero malinaw na sa kanya dati pa na may plano ako sa buhay ko.

"pramis. di ako magluluko. may plano ako sa buhay ko."

nakalimutan nya siguro yung usapan namin...

...o mukha lang kasi talaga akong luko-loko at mukhang di siryoso sa mga sinasabi ko.

ganto lang talaga kasi ako. eka nga ni adam, mapaglihim ako. hanggat kaya kong pigilan ang sarili kong ihi, gagawin ko.

yun na kasi ako eh. nasanay na rin ako sa ganun.

..hayaan nyo lang kasi akong mamili at magkamali.

matututo ako.

(clippers...)

>binalak kong umalis muna sa bahay nung oras na yun. pero hindi ko nagawa.
bakit? dahil sa hindi malamang kadahilanan.. bobo kasi ako. madaling mag-isip ng mas magandang gawin.

>nag-iba na ako ng number... hindi ko rin alam kung bakit.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

2 palagay:

leroy said...

papalit na din ako ng number.hehe.

tapos na kasi ung promo ng tm to globe (v.v.) unli texting, eh.hehe.



xD

Anonymous said...

hello bro, stay strong, God bless you always!