Taenang Ala-ala.

by Friday, August 22, 2008 4 palagay
May naiwan sa akin nung umalis ako.

Hindi ko nasama paglabas ng pintuan ang mga ala-ala na umugnay sa akin sa mga taong maski wirdo, korni at talaga nga namang hindi mo pipiliing kilalanin ay naging kasalamuha ko.

Kulang isang taon.

Sampung bwan at tatlong araw lang ata kung sasaktuhin.

Natatandaan ko pa ang mga pag-gising ko sa pagtunog ng kampanilya ni Ronel. Kasunod nun ang unahan sa pagkuha sa mga hindi baradong sink. Magtatanggal ng baho ng hininga dulot ng kinaing midnight snack na pancit canton, o di kaya ng ininom ng Generoso.

Dun nagsisimula ang araw ko dati- sa pagtunog ng isang maliit na kampana.

Magsipilyo, isa-isang bababa para pumunta sa chapel- namimiss ko yun. Maski bangenge sa inuman at pagre-review, pinipilit ng tatlumput-dalawang paris ng paa ang pumasok sa chapel.
Araw-araw.
.

Papasok sa seminaryo ng mga SVD, makikinig sa mga sinaunang guro, lalamon, maglalaba kapag siesta, matutulog sa study periods.

Magmemeryenda, mas pipiliing maging sweeper kesa maglinis ng father's house. 

Pagtunog ang batingting, maglalaro ng basketball, volleyball, habulan. 
Mamimitas ng kaymito, magbabatuhan ng buto.

Magdadasal. Kunyari magrereflect. Matutulog sa meditation, hihintayin ang orasyonKakain ng hapunan. Magpapanggap na may sakit para hindi makapag-hugas ng pinggan.

Oblation...tama. may oblation pa. Tapos strolling. Maninilip sa mga katulong at drayber na naghahalikan sa dilim.Mag-aaral ulit. Papasok ng library, magnanakaw ng libro. Mangungulit kapag tinatamad. Group study kapag may exams.

Pero mas gusto ko ang mag-stay sa library na amoy medieval period. 

Malinaw pa sa akin lahat. Detalyado. 

Naa-alala ko lang kasi yung mga panahong yun. Sabi ni Ken, di pa daw ako makapag-move-on sa mga past experiences ko. Inaamin ko. Madami kasi akong ginawang pangako. 

Lumipad ang mga mokong papuntang timog ng pilipinas. Magulo dun alam ko. Masyadong diverse and environment. Matagal ko ding pinangarap na magpunta dun only to find out di pala ako makakasama. Kumbaga sa larong the boat is sinking, ako yung natanggal. Bumalik sa upuan, maghihintay kung sinong mananalo.
MAligaya ako nung makita ko mga pictures nila. Huwaw, iba na lebel nila! Pero nandun pa rin ang katotohanang naiinggit ako na nagagalak. Ewan, Para akong tanga na naka-ngiti sa mga pictures nila. Namamangha. Tulo-laway.

Nasa malayo sila. Sa lugar na may nagbabarilan. Nandun sila, katulad ng dating gawi. Kain. Aral. Dasal. Lamon. Aral. Dasal.

Nandito ako. Tamad. Nagboblog. Naghihintay.

Ngayon? Gabi na halos. 6:22 pm sabi sa table clock nila ate Joji. Katatapos lang maghanap at tumingin sa mga bagong larawan sa internet. Paalis na rin ako. Maghahanap ulit ng sarili.

Tumigil lang sandali mula sa nakakapagod na araw.

...may naalala lang kasi.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:

Dear Hiraya said...

may mga bagay talaga tayong pilit na binabalikan at gaya ng sabi mo hindi rin natin alam kung mangingiti at maiinggit sa mga nangyari sa kanila kumpara sa nga bagay na nangyari satin nang nahiwalay tayo..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Anonymous said...

anyway bro, never underestimate God's plan for you... He knows what's best yun nga lang minsan talaga nakakainis kasi di sang ayon sa gus2 natin... pero darating ka rin dun at mamamangha ka sa mas magagandang nakalaan malamang makabalik ka or ibang landas naman ^_^

Anonymous said...

oh my.haha. anganda ng mga pics ko.


oha!


rakenrol!


xD

Anonymous said...

naalala mo lahat ? oh my.astig.hehe.


xD