"Everyone assumes that growing up happens automatically.
But the truth is, growing up is a decision you choose to do..."
-ian
Malaki na ko. Alam ko na ang masama at mabuti para sa akin.
Kaya ko na sarili ko. Ako pa.
'bat ka nalulungkot elyas?
lagi kang nakatawa. nakangisi. parang lahat ay ayos lang.
pero sa loob mo ay isang batang mahina.
malungkot. galusin.
minsan gusto ko ulit maging kinder.
pinapaliguan. hinahatid sa skwela. naglalaro. ang pinaka malaking problema ay kung paano makakatakas sa pagtulog ng tanghali.
gusto ko ulit maging bata.
-mapaglaro, hindi malungkutin, hindi nakakaramdam ng pag-aalala.
maski sandali.
isang minuto. limang minuto. dalawang oras.
minsan kasi nabibingi ako sa katahimikan ng mga nararamdaman ko.
minsan, napapatigil ako sa ginagawa ko dahil sa mga iniisip na nakakalungkot.
marami. naglipana. tumambak sa akin.
gusto ko ulit maging bata.
nagpapalipad ng saranggola
pinagsasabihan
pinagbabawalan
tinatanong
walang pag-aalala.
maski isang oras lang lord, ayos na sa kin yun.
isang oras.
2 palagay:
aq rin...
parang ang soundtrack yata ng post na ito eh "Warrior is a Child" ah... God bless!
Post a Comment