I Have Believed, I Have Come To Know ( A Kolboy's Creed)

by Tuesday, August 25, 2009 5 palagay

( isang post para sa mga agnostik, pagano, nawawala, nawawalan, nagwawala, nagpaplanong magwala, walang pinaniniwalaan kundi ang kanilang sarili at mga hindi matinag ang paniniwala. Ipagpaumanhin nyo ang post na ito. di ko na naman in-edit.)

Hindi ito tungkol sa mga naghihimalang rebulto o mga aral kung paano ka dapat mamuhay. Muli, isa itong basura.

At isa pang muli, ang literatura ay malaya at malikhain. Hindi ko kayo ineengganyong tumulad sa akin. Emen? Emen.

ehem.

Sa pilosopiyang pilit kong pinag-aaralan, isang malaking kahibangan ang paniniwala sa mga bagay na hindi mabigyan ng dahilan (pure reason) sa unang pagkakataon. Sa madaling sabi, kailangang naiintindihan ng utak ang isang bagay bago paniwalaan.

Hindi ko maitatanggi na tama yun. Kaya nga kung mapapansin nyo, sobrang daming mga pakulo at mga debate sa radyo, telebisyon at sa dyaryo ng iba't-ibang dominasyon tungkol sa kung anong tama at mali. Relatibo kasi ang katotohanan batay sa kung paano ito naintindihan ng kalahating kilong karne sa mga bungo natin. At dito mga kapatid, nagsisimula Hindi pagkakaintindihan nila Bro. A at Bro. B.

(Inaamin ko, kahapon pa ko nag-iisip ng magandang intro pero
takte, walang lumalabas sa utak ko. pasensya sa pagiging masyadong malalim.)

Katoliko ako. Liberal. At ang pagiging Katoliko ko ay hindi bunga ng kamusmusang walang malay. Pinili ko ito at hindi ako nagsisi sa naging desisyon na ginawa ng mga magulang ko nung bata pa ako. Sa madaling sabi, I have come to like and love it. To the point that I want to become a priest. (hmmkei, ibang usapan na to.)

Hindi ko nakikita ang relihiyon ko bilang perpektong institusyon. Minsan nagtataka din ako sa mga kaipokritohan ng mga tradisyon. Sino bang hindi makakatulog kaka-ulit ng hail mary ng limampung beses? Sinong hindi mababagot sa misa ng paring hindi marunong mangaral? Sinong hindi mababaduyan sa mga prusisyon, mga panata at mga paluhod luhod sa quiapo? ghad, kung nakikinig ang dyos nyo, di nyo na kelangang magtirik ng kandila at mangako sa hangin. Pero like what I always say to my self, leap of faith. Going beyond rituals and shits, am sure you will see what religion is trying to tell you.

Faith is a gift they say. But what I believe is that faith is accepting truths far bigger than us. Ganun din ang paniniwala ko. Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng lahat. We just have to admit that we will never understand all the ways of He-Who-Needs-Not-To-Be-Named.

yada yada yada.

Seryosong usapan, naniniwala akong hindi relihiyon ang daan para ka bumuti. Sariling kayod ang pagiging mabuti. Walang dapat magsubo sayo ng tama o mali dahil, muli, relatibo ang bagay na yun. Ang tanging responsibilidad sayo ng kahit anong relihiyon na pipiliin mo ay ang magpa-alala sayo na wag kang papatay, wag kang magnanakaw, wag kang mangugurap o wag kang bibili ng pirated sex scandals ng taga-Samar, Parañaque, La Consolation o ng UP. Simple lang ang layunin ng isang relihiyon- at yun ituro sa'yo ang nakikita nilang tamang gawin. Kung maiiwasan isang prayer rally ang korapsyon, wala itong pinag-kaiba sa paglalakad ng nakaluhod sa Baclaran para makapasa ka sa CPA Board exams. Hindi nagkakalayo ang prinsipyo at layunin ng relihiyon. Nagkakaiba lang sa tradisyon at paraan ng pagpapakita.

Hangga't hindi ka tinuturuan ng relihiyon mong mangreyp ng mga bata at maghasik ng krimen, pwede pa.

Kung mas napapalapit ka sa dyos sa pamamagitan ng mga bandang kumakanta ng mga christian hits tulad ng hillsong, walang problema. Malaya kang lumipat.

Hangga't hindi ka tinuturuan ng relihiyon mo na maging ganid at mapagsamantala, ayos ka.

Kung mas feel mo ang yoga at di pagkain ng karne dahil sa tingin mo ay mas gusto yun ng dyos mo, sabi nga ni Mim, keribels lang.

Hangga't pinipilit kang maging mabuti ng relihiyon mo, wala kang dapat ipag-alala. Magulat ka kung tinuturuan ka nito kung paano malaman ang winning combination ng lotto sa susunod na linggo.

[...]

Hndi naman importante sa literal na sense ang pagsisimba o pag-attend ng mga woship services. Pero kung sa ganoong paraan eh nararamdaman mo ang presensya ng dyos mo at nagiging mas mabuti kang tao, bakit hindi? Yun nga ang pangunahing dahilan kung bakit nilikha ang mga ritwal.

Pwede mong tanungin at usisain ang mga pagkakamali ng mga obispong politiko, ng mga ipokritang madre sa pinanggalingan mong skul o mga mahalay na mga pari. Pero lilinawin ko. Religion is human and human is flawed. Lahat naman tayo eh pinipilit maging mabuti. Kaya kung ang dahilan ng pagtiwalag mo eh dahil nababaduyan ka o dahil nahahalayan ka nang tignan ang mga lider ng simbahan mo, nakakalimutan mong hindi sila ang dahilan ng pagiging katoliko mo.

Hindi naman dapat pag-talunan ang relihiyon. Lahat naman tayo eh pareparehas lang ang dahilan kung bakit tayo naghahanap ng sagot sa mga tanong na wala naman talagang kasagutan. Hindi din mahalaga kung sino ang may mas tama at mas magandang interpretasyon ng mga nasusulat. Ang mensahe ng Dyos ay relatibo, depende sa pangangailangan at kailangan mo.

Hindi perpekto ang relihiyon ko. Sa paglagi ko sa seminaryo ng mahigit sa isang taon, nakita ko ang maraming katauhan ng mga pari at mga relihiyoso, ang kahambugan ng mga nagsisimba, ang mga kayabangan ng mga dyos-dyosan. Pero alam nyo ang dahilan kung bakit ako nanatili? Simple. Leap of faith. Sa kabila ng mga ritwal at kaek-ekan ng relihiyon ko, nakikita ko ang simbahan kong pinipilit maging pamantayan at tagasubaybay ng sangkatauhan. Sa loob ng higit dalawanglibong taon, pinipilit ng simbahang makasunod sa mabilis na takbo ng mundo, syensya, teknolohiya, politika. Marami mang utos at mga seremonya, iisa lang ang tinutumbok ng lahat ng iyon- ang matuto sana ang lahat na magmahal at magpahalaga.

Hindi ito tungkol sa langit-lupa-impyerno. Tungkol ito sa kapasidad mong tumanggap ng pagkakamali at bumangon. Hindi ito tungkol sa dami ng araw na nagsimba ka. Tungkol ito sa dami ng kabutihang naibahagi mo ng hindi nagbibilang. Hindi ito tungkol sa mga santo, martir at mga anghel. Tungkol ito sa kung paano ka naging halimbawa sa kapwa mo. Dahil sa bandang huli, wala namang nakakaalam talaga ng mangyayari at kung may mangyayari nga ba. Mas ayos na ang minsan kang nabuhay ng may kabuluhan.

Maging ang rason ay kulang at may limitasyon.


Sa katulad na paraan kung paano ako nagsusulat.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

5 palagay:

Lio Loco said...

ang paggawa ng mabuti o ang pagtatangkang magpakabuti ay isang bagay na maaari mong gawin nang walang relihiyon. sa madaling salita, inherit na sa tao 'yun, may relihiyon man siya o wala.

kung ganun nga, at base sa iyong paliwanag na ang "tanging responsibilidad sayo ng kahit anong relihiyon na pipiliin mo ay ang magpa-alala sayo na wag kang papatay, wag kang magnanakaw, wag kang mangugurap o wag kang bibili ng pirated sex scandals ng taga-Samar, Parañaque, La Consolation o ng UP," ayos lang kung ganun kahit wala kang relihiyon dahil magagawa mo naman ang lahat ng ito nang wala kang relihiyon. kahit gaano ka pa kasamang tao, meron at merong mabuting dugong nanalaytay diyan sa ugat mo. pramis.

the act to do good and be good is innate and inherit in every human being. this, in spite of the lack of any religious upbringing.

pero nirerespeto ko ang paliwanag mo sa parehong paraan na hindi ko kinukutya ang kung anumang relihiyon kahit marami akong hindi sinasang-ayunan sa mga gawi nila.

umaasa akong ganun ang iyo sa opinyon ko.

p.s.

mahirap lumuhod sa Baclaran para pumasa sa CPA Board. pwede bang lumunok na lang ng blade?

leroy said...

psh. di na kailangan intindihin ang mga rason. haha. whatevs. sayang lang sa oras. go lang habang bata pa! wuhoo. haha. wasakan. :D

as long as you have a firm faith and hardcore heart, yay lang! :)
wag kasi maniwala sa iba ng basta-basta, maniwala ka lang kapag sinabi ng Diyos mo na paniwalaan mo ang mga kung anu-anong anik-anik na pinapauso ng external cheorvas, yada, yada, yada.

bampiraako said...

Ito lang masasabi ko: MAGALING SI BUNSO!

WV- halonies

Dear Hiraya said...

ang galing! tama ka! minsan kinukwestiyon ko kung bakit ang hilig magdebate ng mga relihiyon na may sariling TV station (gets mo na siguro kung sino sila) kasi puro sila away ng away. anyways, Katoliko rin ako kaya hindi ko talaga maiwasan ang mapa Ayan na naman sila.. tsk tsk..

nagtataka na nga lang ako kung bakit may mga tagasunod na lang sila. pero kung sabagay, tama ka nang sabihin mong wala naman sa mga leader yun ng relihiyon mo. dahil hindi sila ang dahilan kung bakit ka nasa relihiyon mo.

apir!

aninipot said...

wow! first time kung makabasa ng post na halos sinang-ayonan ko ang lahat ng naisulat...pwede ko bang sabihing exact replica yan ng paniniwala ko.
maraming tao ang hindi kayang intindihan ang gusto mong ipahiwatag, bakit? dahil di sila nakatayo sa pinaniniwalaan mo...
5 years akong nakisalumoha sa lugar kung saan visible ang pagkakaiba ng relihiyong pinapanigan...
duon ko rin lubos naintindihan na hindi sa sector ng relihiyon makikita ang pagiging mabuting may paniniwala kundi sa mismong taong nakatyo sa paniniwalang iyon.