HOW MANY LIVES WILL YOU CHANGE THIS YEAR?

by Wednesday, February 03, 2010 9 palagay
- yan ang tanong ng isang billboard ng isang telecom company sa kahabaan ng Katipunan na lagi kong nakikita tuwing pauwi ako. Nakasulat sa malalaki at ultra bold na fonts, yan din ang tanong na ginawa kong personal goal ngayong taon na to. Napakasimple ng ad. Walong salita at isang larawan sa puting background. Magtatatlong buwan palang na nakabandera sa kalsada.
Naka-ilan na nga ba ako? Tatlumpu't dalawang araw simula ng magsimula ang taon, wala pa din akong magunitang kunkretong pagkakataon na may isang buhay akong nabago o, sa isang safe at walang dispute na statement ay, na-inspire.

Ilan ba dapat? Sino ba dapat? Sumasakit ang migraine ko.
Hindi naman siguro layon ng ad na yun na maging Winston Churchill o Barack Obama o Oprah Winfrey tayong lahat. Pero nakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng isang tanong sa isang ultra laking billboard nagkakaroon ng kahulugan at dahilan ng pagpipilit ng isang tao na maging mabuti at kapakipakinabang. Tapos na ang panahon ng mga hinahating dagat at mga tubig na nagiging alak at hindi na din uso ang mga burning bush. Patuloy ang mga araw araw at ang mga gabi gabi.

Mataimtim at naghihintay ang bawat paggising.

+++
Ang nangyari sa nakaraang blog ay walang kinalaman sa isang ito. At oo, sa sobrang galit ko, pinatawad ko sila. Napaka-wirdo ko talaga.

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

9 palagay:

Kosa said...

Gusto ko mang tanungin din ang sarili ko sa tanung na yan,
HINDI KO RIN MAGAWA.. dahil baka wala pa akong maisagot.

citybuoy said...

ayoko na magbago ng tao. delikado yan.

Rico De Buco said...

di ko alam kung may nabago akong buhay? siguro..darating pa....sana din dumating ung time na pati buhay ko mabago din.. hahahha

Jinjiruks said...

pldt ad bayan changing lives

melody said...

i hope machange ko ang ugali ng kapatid kong lalake... masama kasi ugali niya!!!
www.monzavenue.com

TheCoolCanadian said...

Melody:

Gaano ba kasama ang ugali ng kapatid mong lalaki?

Pa-sample naman diyan para mabuksan ang aming mga mata. Thanks.

Gram Math said...

Sometimes its better to leave things as they are ....
Paulo Coelho
The Alchemist

melody said...

he's very irresponsible.!! he is 21 years old but still depends on our parents!! www.monzavenue.com

Unknown said...

oi ang bait ng sekretaree ko twice na sya nag-comment dito. hehehe

anyway, tama ka Yas. Change must start from within. naks parang tag line ng beauty product. LOL

Ganto pala yun.. Be the change you wanna see in the world. ayun!

http://www.monzavenue.com/2010/02/funniest-call-center-bloopers.html