Mga Eksenang Salon At Ang Kikay na Dioramang Ewan

by Thursday, September 27, 2007 0 palagay



Kahapon ang araw kung kelan nagpaalam ang aking magulong ayos ng buhok. Dahil na rin sa mala-death threat ng aking superior nuong nakaraang gabi ng Martes ng ako'y sumalang sa isang kumprehensibong 42 mins. na consultation, sa isang inaasahang pagkakataon ako'y nagpunta sa isang salon sa Anonas (Ecenzia Salon)... Ako'y pinaupo sa barber's chair pero *chaning!(sound epeks) walang trimmer ang magandang salon. Ang astig pa duon, pinaupo ako sa upuan ng mahabang taon ni Nicole (ang baklang ang ganda pero ang lalim ng boses) kasi ang costumer nila na nagpa-spa ng mabalahibong paa (joke) ay isa palang alagad ni Lord (halleluiah!) at ni-request nya ang buong staff ng salon na i-pray over nya... Ayos yung Ale. Para akong nanonood ng eksena sa isang conversion of the prodigal son. Tumagal lang naman ng 18 mins ang prayer nya kaya yun, ganun ako katagal naghintay tubuan ng ugat sa kinauupuan ko.



Dahil nga wala silang trimmer, lumabas ako at nagpunta sa karibal nilang salon...*taran! (sound effects ulet..) F Salon Anonas Branch. Ako'y nagpagupit sa halagang Php.39.95 only ang aking mga buhok na ipinaglaban ko sa aking superior ay unti-unting hinalabas ni Mr. Swabeng Barbero.... ayun.. ang sabi ko konting bawas na parang 2x3 (di nya siguro ako naintindihan) ay isang clean-cut na full-fledged 2x3... Umuwi ako sa seminaryo ng salubungin ng mga panlilibak hanggang dinner time pati ang aking superior pero eto ayos na rin.... bumili na lang ako ng Vaseline Thick and Care Shampoo sa may Anson's para mabilis ulet humaba. Hay buhay... parang barber's chair.






Kinahapunan, si Leroy, Lopez, Lumague at ako ay nagpunta sa school. Ginawa ulet namin yung diorama ng walls of jericho. Wala naman akong masyadong maitutulong higit sa mag pintura kaya yun, after maghalo-halo ni Erus ng white, blue, black, red, yellow na binudburan ng konting fertile soil, nakagawa kami isang kulay pink na ewan na kulay. No choice naipahid ko ko yung kulay kaya tuloy-tuloy na rin. Ang meryenda? Strawberry flavor na tetra-pack juice at isang strawberry flavored monde cake... Umuwi ng naka-taxi pagkatapos bigyan ng isandaan ni Mr. Estacio para pamasahe.






[palimos nga....]






Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

0 palagay: