Ang Katumbas ng Kapangahasan

by Wednesday, January 16, 2008 5 palagay

I was busy talking with my dorm mates when suddenly, I got a text message from someone from my lot telling some bad things.

(original text of bro. jenny, omi)

Pls. pray 4 fr. rey roda, omi he was killed n tawi2x at 8pm ds evening by an assasin 4 the sake of our mission there.


It was eleven and I am pretty tired of telling bad news to anyone. I just told this abruptly to them then went asleep, thinking of a laptop and studying in Japan. Di kagad ako nakatulog. Di ko naman ganun ka kilala si Fr. Rey pero parang ang laking dagok sakin nung nangyare. Isang pari, pinatay. Dahil sya ay isang misyonero. Napaka-absurd nga naman ng buhay. Pero bakit gusto ko pa rin ng ganung sistema ng buhay?

Simple lang ang sagot ko.

Kasi sira-ulo ako.

Ang misyon kasi ng mga sira-ulo eh gumawa ng mga exotic na bagay, magmahal ng mga taong ayaw namang syang mahalin, magpunta sa mga lugar na di dapat puntahan at magbuwis ng sariling buhay para sa mga taong tinuring mong pamilya mo. Yun nga lang, ang katumbas ng katangahang iyo eh minsan, sarili mong buhay at mga pangarap.

Hangal lang ang taong gumagawa ng mga bagay na ganun. At sa mundong iniikutan ko, marami sila. At maraming gusto pa ring tumulad sa di mapaliwanag na katangahang yon. Isa ako sa mga nahawa sa kakaibang epidemya ng paggaya at pagtatangka. Marami na ang pinatay ng baril, bomba at sadyang pagsunog sa mga taong gusto kong salihan. Marami ang ginawang martir sa Mindanao at marami sa kanila, nakilala ko at nakasalamuha ko sa isa o dalawang pagkakataon. Kilala sa pangalan, nakita na minsan, narinig. At dadami pa sila sa mga susunod na taon dahil sa mga taong kakilala ko rin na naghahanda, nangangarap at nagiilusyon na maging mga misyonero sa iba't-ibang paraan at pagkakataon. Baliw lang ang gumagawa ng mga bagay na ganun. At marami akong baliw na kilala.

Ang dulo ng Pilipinas, ang mga bubat ng Aprika, Ang dalampasigan ng Pasipiko at mga bulubundukin ng mga panig ng mundo ang mga lugar kung saan pinapatapon ang mga baliw upang magturo, mangaral, makisalamuha, mag-angat ng kalagayan, magtanggol ng karapatan sa mga taong di nila kilala, malayo sa kanilang kabihasnan at mga gawi. Yun ang mga bagay na pwedeng mangyari sa isang tulad ko. At tulad ni Fr. Rey Roda, OMI, isang dakila at huwarang martir ng ika-walo ng gabi kagabi, mangangarap ako. Na sana, lumipad ang kabaliwang ito at magtago sa ilalim ng aking kamalayan.


“He was in fact due for transfer to another area, but he declined because he wanted to remain in Tabawan to continue with his missionary works there,” said Bishop Lampon, head of the Jolo Vicariate, which has jurisdiction over Tabawan’s Catholic community.
Lampon said Roda, who belonged to one of Cotabato City’s pioneer Christian families, was aware of the dangers of missionary work, but insisted on helping poor Muslims and Christians in the impoverished town of Tabawan.
“People there in Tabawan loved Fr. Rey dearly and were so appreciative of his projects that they even appealed for the continuation of his programs for them even if he is gone,” Lampon said.
Lampon said the tragic death of Roda, the fourth OMI priest killed in Mindanao since 1974, will not in any way affect the congregation’s missionary work in Tawi-Tawi and Sulu.
Lampon said that aside from managing the school in Tabawan, Roda was also involved in livelihood projects for the island’s marginalized fisherfolk.
“His scholarship project has produced several Samal and Tausug professionals. Some of them became teachers who have returned to Tabawan to help educate their own people,” Lampon said.
-PSN, Jan. 19, 2007

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

5 palagay:

gerrycho said...

you're looking at it at a wrong angle... hindi kabaliwan ang selfless love...

dahil kung kabaliwan yun... then you might as well point that Jesus is the greatest fool of all...

nobility and madness... you can't draw them near by a line, for they are realities apart...

just a thought...

hey, how about something happy yas?

forevermonk said...

hey elias as yas, sige yas na lang nga tawag ko sau- salamat saiyu touched ako kasi nakasilip ka sa aking hamak na blog na ang laman ay puro hinaing at mga pangarap ng isang taong tulad ko-- add kita sa links ko ha? kung mamarapatin mo lang- tell me kung ok lang- typ ko ang klase ng pagsulat mo heheheeh---

arjay said...

i think it's very noble, not katangahan.

Dear Hiraya said...

mahirap talagang maging tanga sa mata ng marami kahit na ang mga ganitong gawain ay maituturing na 'noble' (hindi ko matagalog tsk tsk! serious pa man din ang mode ko, natawa tuloy ako! hahaha)

Ayun, its our mission na magpakatanga. Ika nga, wag nating tignan at gayahin ang mundo dahil makasalanan ito. At ang salitang katangahan ay ginawa lang din naman ng tao para sa mga kaugaliang kaiba sa ginagawa ng marami.

May gusto sana akong ishare na kwento na napanood ko noong sector conference namin sa YFC (pinanood lang sa amin actually yun ng YFC fulltime namin na si Kuya Boris), hindi ko lang maalala yung title ng video pero it was about missionaries who were killed by minority groups somewhere in Central America while preaching people. The story was aboout decades ago. At the end, the video showed new missionaries who were sent to the same area and successfully evangelized the people. Those missionaries are the sons of the first missionaries who were killed. It also showed the pictures of those tribal men who killed their fathers holding Bibles and listening to them. So inspiring!

http://hiraya.co.nr

forevermonk said...

my heart goes to the slained priest!. i will keep all the priests in the same plight for their safety and protection!