Isang librong nabili sa halagang Php 659.00 pero nakuha sa isang thrift bookshop sa halagang Php 150.00 (galing ko 'no?). Nobela ukol sa kasaysayan ng totoong Drakula na nabuhay at namuno nuong kapanahunan ng mga magulang ni Kapitan Kopong-kopong. Ashteeg to no. It took me two weeks to read kasi ba naman eh midterms na. Thrilling at maganda ang storya. Tungkol sa isang pamilyang adik sa mga tsismis nuong panahong midibyal sa Europa. Maganda ang style ni Manang Elisabet. Ashteeg nga sabe eh! Hmmp...
Napapatungkol ito (marahil, ayon sa akin) sa kagustuhan ng tao na mapanatili ang buhay sa mundong ito. Eto ba naman kasing si Vlad the Impaler, ayaw mamatay kaya ayun, nagkaproblema tuloy ang kasaysayan ng Europa, Istanbul at ng mga institusyong pansimbahan. Grabeh ang galing ng may-akda. Peyborit ko yung epilouge (teka, panu nga ba i-espel yun?) kung saan pinakita (Huh? nagbasa ka lang naman ah!?) ang umpisa ng pagnanasa ni Dracula na maging immortal... ayun, hanggang sa umikot sa anim na raan at apatnapu't dalawang (642) pahina at sa wakas, in the end, napatay din sya sa pamamagitan ng bawang, krus at bread knife.
Basahin nyo na lang. Kasi speechless ako. Katatapos ko lang basahin eh. ;)
[yas]

0 palagay:
Post a Comment