"Do magis today. For tomorrow never exists!"
-neil's shout-out
-neil's shout-out
Tagal na rin pala.
Akalain mo yun, tumagal ako ng isang taon. Unbelievable kaya nga pati ako, hindi makapaniwalang mag-iisang taon na rin pala akong seminarista. Aysos nga naman ang buhay ooh, di mo alam, tapos na pala ang isang kabanata.
Naghihintay na lang ako ng mga kokonting mga bagay. Next week, finals...kanina kinuha ko na yung Social History kay Dante. Nung Tuesday, nag-finals na sa Trigo at Chem pero uulit ako next week. Removal. Halos 3/4 naman ng klase magre-retake. Ayos lang. this week-end,outing sa kung saang "beautiful place daw" na naman. Pirmahan ng clearance na sobrang nakakasumpa sa laki ng babayaran. Pasahan na lang ng mga papers sa tapos sa 16, final consultation at eviction night. Make it or break it na ang drama. Marami rin ang alanganing magpatuloy next week.
Isa ako dun syempre.
Sino ba namang di maasar sa tulad ko? Pasaway. Tamad. Korni. Maloko. Ayos nga eh, di ko rin akalaing tatagal ako ng isang sem. Dami ko na rin ginawang kasalanan at mga pangakong puro kayabangan. Sige na lang. Sabi sakin yan ni Fr. Pros. Huhh?!?? Ay ewan. Bahala na.
Kung pagsusumahin at ico-compute mga ginawa kong maayos at mga kalokohan, tyak magkakautang ako. Balasubas kasi ako pagdating sa paggawa ng mga desisyon. Pero sabi ng nanay ko nung umuwi ako, ganun lang daw talaga ang mga nagbibinatang tikbalang. Magulo. Pabago-bago ng isip. Pero ganun pa rin daw ang puso. Kung ano ako dati, yun pa rin ang dating ako. Sa loob ng puso. Magloko man daw ako sa mahabang panahon, di ko rin daw matitiis kasi di ako talagang maloko. Ganyan lang talaga ang mga nagbibinatang tikbalang anak. Maniwala ka.
Ang totoo nyan, lalo akong naguluhan sa mga sinabi ng nanay ko. Kaya sa badtripness nya, pinabaunan ako ng sandamakmak na tablet pampalusog,pampatalino, pang-ayos ng daloy ng puso at pampasigla. Kulang na lang eh resibo galing sa Mercury Drug. Pero di pa dun natatapos ang problema ko.
Di ko pa kayang i-kwento.
Saka na....
Baka bukas. Pagiisipan ko pa.

1 palagay:
nagbibinatang tikbalang - walastik classic!
aabangan ko ang secret mo...
Post a Comment