Takot kang Mamatay?

by Sunday, March 09, 2008 4 palagay
"Man in his birth is old enough to die..."
-Peter "Yokababs", kagabi

Minsan naisip mo ba kung anung mangyayare kapag patay ka na?

Ako nung bata ako naiisip ko na rin yan. Para nga akong paranoid kasi ke bata-bata ko pa lang, kung anu-anong bagay na iniisip ko. Pero natatakot ako nung bata ako kapag naiisip ko yung mga ganun. Hahanapin ko yung nanay ko tas manghihingi ako ng limang piso para makalabas at bumili ng tokneneng upang ilayo ang isip sa mga ganung pagiisip. Sabi ko na senyo eh. Bata pa lang ako, adik na ko.

Pero kung tutuusin, talaga namang maski minsan sa buhay, bigla-bigla na lang pumapasok yung mga ganung tanong sa buhay. Yung feelings na sobrang hagardness ka na sa buhay, pulit-ulit na lang yung mga ginagawa, daming kelanang hbulin, madaming nagpapahabol. Sobrang dry ng buhay. Parang patay. Yung mga panahong lahat parang di sang-ayon sa'yo... feel mo lahat ng vacuum entity sa universe eh niregalo sayo. Yung mga oras na batong-bato ka na sa araw-araw na ginawa ng Dyos. Sabi nga ng mga emo sa tabi-tabi, suicidal.

Tanong: Bakit kelangan pang mabuhay kung
mamatay din naman tayo?
Bakit kelangan pang mag-aral,
magtrabaho, magpakasaya, magpaka-jologs
eh ultimately dedbols din ang end ng lahat?

Simple land daw ang dahilan ng lahat ng paggawa ng tao. Kasi hindi tayo nilikha para lamang mamatay. Hindi ka nandito dahil sa random chances. Nandito ka dahil may kelangan kang gawin. Mamatay ka sa huli, gaya ng lahat, hindi dahil wala ka nang gagawin. Mamatay ka dahil hindi ka laan para sa mundong ito. Nilikha ka paa sa isang mas magiting na hangarin. At iyon ay ang maging kapatid at superhero ng mga taong nasa paigid mo. May naintindihan ka man o wala, bahala ka nangmagpasensya sa ka-adikan ko.

Bakit ka takot mamatay? Marami kasi akong pangarap. Bat ka nangangarap? Putangna, an dami mong tanong ah...sapakan nalang!!!?! May mga tanong kasing alam mo yung sagot pero ikaw, di mo maipahayag sa salita. Kasi daw, maramin alam ang puso na di kayang ihayag ng bunganga. Bakit mo nga kasi naisipang mag-isip ng tungkol sa kamatayan? Simple. Adik ako.

Aminin ko man sa hindi, minsan takot akong mamatay. Pero minsan gusto ko na. Sadya ba talagang magulo ako o magulo ang ikot saken ng mundo?
Ah basta...ayokong mging pilosopikal muna.

Sa birthday ko na lang ako magsisimulang mag-ayos ng pagsusulat.

[*Ayaw ko pang sabihin ang sikreto....Magulo pa puso ko.yeah!]

Yas Jayson

Panig sa Diyos at Bayan

To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

4 palagay:

mikel said...

bakit nga ba kelangang mabuhay kung mamamatay din?

*padaan lang

Anonymous said...

takot akong mamatay dahil sa mga rason na hindi ko maipaliwanag. ako rin madalas kong maisip yang kamatayan na yan. at blah blah blah...

gusto ko yang sinulat mo.

Anonymous said...

takot din aq mamatay pero there are days when i feel like "im ready to die today" or kahit nde ready parang gus2 ko na mamatay hehehe... anywyaz, isang matandang adik lang dumaan, xchange links?

Angel in the Sickroom said...

elow Yas! Nandito nanaman ako. Hahaha! Napatawa ako sa iyong post, nakaka-aliw ka talagang mag-sulat.

Pero ako ay sumasang-ayon sa iyong sinabi. Sa isang saying pah na aking naaalala, "Man starts to die the day we are born...".

Pero alam mo naman pala ang sagot sa tanong mo. Nandito tayo sa mundo para magawa natin ang ating misyon. Kung ano man yang misyon nah yan ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi tayo nabubuhay nang walang dahilan.

Nakaka-relate naman din ako sayo sah sinabi mo nah may mga panahon nah parang patay tayo nah nabubuhay (o buhay ba yon na patay? basta!). Lahat naman nang tao ay nagkakaroon nang dry spells, huwag ka lang gumaya sa mga sobrang emo nah nag-iisip nah suicide ang quick-exit. ^_^

-edgar