Apat na oras.
Maghihintay sa labas ng office ng superior. Kakabahan. Maiihi. Mapapraning.
Aabot kaya ako?
Kagabi, tribute party. Kagabi ko na rin iniabas lahat ng huling baraha ko. Goody mode baka magbago ang desisyon. Pero hindi. Ganun lang talaga ako. Likas na malikot ang isip. Natural na mapang-lait. Nagpasalamat sa mandirigma ng kusina. Nagpugay sa gurong naging pangalawa kong nanay. Lahat na ng pwedeng gawin para mag-iwan ng magandang alaala, ginawa ko na. Or at least, tinry kong gawin.
Apat na oras. Apat na mahahabang ors ng paghihintay sa pagtawag sa turn ko. Seminarian # 21.
Tatlong minuto lang daw ang itatagal nun. Para daw di kabahan. Handling of decisions na lang naman daw. Continue o advised to leave. Di ako kinakabahan para sa sarili ko kung matanggal man ako o matanggap. Para sa akin, sobra na ang isang taon kong stay para mabago ang pagtanaw ko sa buhay na gusto ko. Siguro maiintindihn din naman ako nila mama sa magiging desisyon ko. Alam ko umaasa silang magpapatuloy ako. Pero DI KO ALAM. Di lang naman ang kagustuhan ko ang masusunod. May ibang taong nagdedesisyon sa mga balak ko. Ayos lang sa akin ang matanggal eh. Di naman siguroi mababawasan ang pagkatao ko. Ang di ko lang matanggap, maraming tao na naging bahagi na ng buhay ko ang siguradong magpapaalam. O pama-maalamanan ko. Yung yung panghihinayang ko.
Kagabi, maski may sipong dulot ng makapal na alikabok sa dorm, humiga ako sa kama ni Erus. Walang neozep kaya calamansi juice na maibigay sakin ang dakilang infirmarian kya nakuntento na lang akong humiga sa kama. Di pa kasi nag-eempake si Erus kaya ayos pa yung pwesto nya.
Biglang nagdrama si loko. Himala yun kasi si Erus, mukang di nag-eemo effect kahit kelan. Alam mo, gusto ko talagang matanggap maski kahit paano. Dito lang talaga ako nakahanap ng totoong mga kaibigan eh. Saka dito talga ako masaya. Di ko alam bakit pero ganun eh. Ikaw elias, ano bang gusto mo?
Di kaagad ako sumagot. Alam nya kung bakit. Pareparehas kasi kaming mga pasaway at malaki ang posibilidad na hindi na magpatuloy. Naghihintay sya ng sagot pero alam kong alam nyang naguguluhan din ako. Di ko alam kung bakit ko to sinabi pero yun yung lumabas sa bunganga kong ngongo sa sipon.
Ayokong malagasan ng kaibigan. Ewan ko nga eh. Pero kapag naiisip kong mawawala kayo, o kaya ako sa malamang, di ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta, ayaw..
Dami na rin kasi naming mga pagsasama. Lahat kami. Mga kalokohan tuwing gabi, mga pag-akyat sa bakod, panloloko, mga eksenang pasaway, away, yayaan sa Papu's, mga kahibangan araw-araw. Ayokong malagasan ng mga kaibigang tinuring ko nang pangalawang pamilya. Yun yung ayaw ko.
Apat na oras. Tatlong minuto. Mamaya.
Ayaw.
*Naguguluhan Din Naman 'aKo'...(ayokong may malagas...)
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

2 palagay:
1 year ng deacon ang younger brother. every summer time during his college years (philosophy), sad ang brother ko kasi may nalalagas sa kanila. siya mismo na regency ng 2 years before theology niya. Anyway, whatever it is, just have a happy state of mind ^^ God bless!
i just wish uyou all the best yas! kahit saan ka mapadpad nandyan pa rin ang mini stop para ika'y pagsilbihan. hahaha. joke lang!
Post a Comment