"In death, life is changed; not ended."
Natatandaan kong nung last Thursday, bago umalis ng bahay para magpuntang Adamson University, hinarang ako ni Mama.
“Isuot mo 'tong relo. Sinanla yan sa akin. Automatic.”
“Di ako nagsusuot ng ganito ma eh...pangmatanda. Gusto ko leather lang”
“Edi palitan na lang natin. Isuot mo muna.”
Sinuot ko yung relo. Pero hinubad ko rin pagkatapos lumabas ng bahay.
Pag-uwi, naabutan ko si mama na nakaupo sa kwarto. Nagmano, tinignan sya ng matagal bago umakyat para magbihis.
“Anak hilutin mo ko. Dali,”
Bumaba ako. Sinunod sya at pagkatapos ng limang minuto, nangyari ang mga dapat mangyari.
Seizure.
We had to rush her to the hospital. At nagkasunod-sunod na ang serye ng mga tagpong hindi na kayang ikwento.
Mali, masyadong personal at masakit para ilantad sa mga tao.
Seizure, eclampsia, ceasarian operation, neurological misfunctions.
Braindead si Mama. Sunday ng umaga. Ang araw na nagplano kaming sabay-sabay magsisimba.
Ako, si ate, si Papa. Kami ang mga nasa ICU nung mga oras na iyon. Ako ang unang nakaalam ng nangyari kay Mama through text sa neurologist na gumawa ng final reading sa CT scan nya.
Maski anong gawing pag-revive sa heart nya, useless din. Patay na si Mama. At yun ang katotohanan.
Inabot pa kami ng alas dose ng gabing yun para mapapayag si ate na tanggalan na ng life support si mama. Marami kasing pangako si ate. Marami syang utang kay mama. Tulad ko.
Euthanasia.
Tama yun yung term. Ganun na nga ang ginawa namin ni ate. Dahil pinauwi na naming dalawa ni ate si Papa para magpahinga, pagkatapos pumirma ng waiver, nilakasan ng isang 16 years old at ng kanyang bentedos na ate na hugutin ang oxygen system ng nanay nila.
Sa ambulance, unti-unti naming hinantay ma-expire si mama. Ang karanasang hanggang nagyon ay nagmumulto sa akin.
Sa ngayon nasa Sanctuarium kami dulot sa biglaang biyaya ng libreng plan ng isang kaibigan at kabarkada ni Mama.
Hindi pa rin ako handang wala sya.
Sa susunod na lang muna siguro, gusto kong magpahinga.

7 palagay:
Elias, my condolences.
elias, grabe, di ko lam sasabihin, napakatapang mo, di ko kasi maimagine yung sarili ko sa ganung senaryo, condolence...
http://hiraya.co.nr
Oh my...
Condolence Elias. May she rest in peace..
I can't find the right words to make you feel better. I don't know what I would do if I was faced with the same scenario...
All I could do is offer you my condolences and I will pray for your mom. Be strong Elyas.
im sorry!
i lost my father the way you lost your mom - euthanasia....
be strong.
TC
..oi, baliw...euthanasia un..hihih..
anyway, un na received ko text mo,(madaling araw) lumabas agad ako ng bahay at kinlampag si tita para magpalod at ipasa sa jOMi community ang nangyari..pati sila juan at bruno tinext ko..hehehe...anyway, we lab you..hihihi..
di ba dinala ko pa nga ung violin ko sa wake kahit di ko talaga keri...
and tumugtog ako ng walang bayad.hehe..
cge, peace out..
n_nv
condolence yas...kaya mo yan, nakaya ko noon sa papa ko kaya alam ko na kakayanin mo rin...be strong, lahat may reason kung bakit nangyayari, ganu man ito kahirap at kasakit...
andito lang kaming mga kaibigan mo para sayo!
we will pray for your mom and your family
Post a Comment