Di ako makapaniwalang 17 pa lang ako ngayong araw na to.
Labimpitong taon ng pagiging tuliro at bangenge. Labimpitong taong libreng huminga, hindi naman natutong mabuhay. Labimpitong taong lumago pero hindi naman natuto. Labimpitong atong nag-aksaya ng oras at panahon sa mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin pero pinag-kaabalahan pa rin. Di ako natuto sa mga lumipas na taon. Ganun at ganun pa rin. Wala pa ring nagbago.
Wala nga ba?
Meron pala. Pero di ko alam kung maituturing yun na pagkatuto.
O ayaw kong ituring na pagkatuto. Ako'y si ako pa rin. Ang dating Elias na mahilig magtago ng nararamdaman, makakalimuting maligo, mahilig sa petsay, bigo, talunan.
Nandito sana din si Mama para batiin ako ng happy birthday. Pero wala eh. Ganun talaga, hindi na nya ako nahintay maging seventeen. Alam nya na yun. Bago pa man ako maging 17, mas para na akong 25 years old kung mag-isip. I'm sure nakita ng lahat kung paano ako tumanda ng husto nung mga panahong binibigyan pa namin ng lunas si Mama sa ospital hanggang sa mga panahong kelangan kong magdesisyon para maibsan na ang paghihirap ni Mama. Sobrang tanda ko na pala kung ganun. Halos di ko na makilala ang sarili ko.
Peo aside dun sa mga experiences na yun, ako pa rin ang Elias na mahina sa grammar, bobo sa spelling, matakaw, mahilig sa libre at mapangarapin. Kung ako lang ang masusunod, birthday wish ko na sana makita ko ulit si Mama maski sandali...maski saan...sa palengke, sa EDSA, sa skul, sa jeep. Maski sandali lang. Gusto ko kasing mas maalala yung mukha nya nung ayos pa ang lahat. Nami-miss ko kasi yung mga panahong sisgaw sya habang lalabas yung multo sa Sukob, yung nakakapraning nyang tawa tuwing magkukwento sya sa amin tungkol sa mga nakikita nya, yung mga sigaw nyang nakakaliit ng betlog, yung mga oras na normal lahat....pilit kasi akong binabalikan ng mga larawan na binabantayan ko siya sa ospital, nung nasa ICU sya, saka nung binunot namin yung life support nya. Letse. Ayaw ko nang balikan yun.
Isang taon na ang lumipas, kasama ng mga ala-ala ko ng pagkabigo...ang seminaryo, ang mga dapat kong ginawa, ang Mama ko....Pasimple akong pinagti-tripan ng tadhana. Matututo din ako.
Happy birthday, yas...
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

6 palagay:
sana wag mong kalimutang 17 ka palang. yan dapat ang mga pinaka masayang taon ng buhay mo. sana lasapin mo hanggang dyan ka pa sa edad na yan.
ibibigay ko lahat maging 17 lang uli...
eh?
ako unang bumati sau
hmmmmp
anyway,ang ingay n ng blog mo ah.
hhihih
xD
belated happy birthday!!!
nung 17 ako ang pinak-miss ko... madalas ko sinasabi sana forever 17 na lng ako hehe
grabe ayon sa poll mo mas cute pa sayo si bentong at astroboy hahahahaha
tol,
nakikiramay ako sa pagkawala ng mama mo. 4 years ago, namatay din ang nanay ko. buti na lang, nasa bahay din ako nun at wala sa seminaryo. nakita ko rin kung paano binawian ng buhay ang nanay ko. kapatid, ayokong mag-conclude pero siguro nasa plano na rin ng Diyos na makasama mo ang mama mo kahit sa huling sandali.
happy birthday na rin. hanga ako sayo. para sa isang 17 years old, matured ka na sa mga desisyon mo. wag kang mag-alala. sa napag-aralan ko sa bioethics, malinaw na hindi euthanasia yung nangyari. itanong mo pa sa kahit na sinong moral theologian. God bless!
belated haberday sayo! ang bata mo pa, enjoy-in mo ng husto ang buhay mo.. :) mas matutuwa ang mama mo pag ganun.. :)
belated happy birthday yas!!
naiiyak ako sa post pmo.. seryoso.. drama to boi! hahaha
17 ka pa lang, marami pang blessing na darating sa yo.. Wish u all the best!! Go Go Go!! hahaha
http://hiraya.co.nr
Post a Comment