jan 1, 2009: natutulog sa dorm mag-isa.
BEEP.
text galing kay kuya rai: "sama ka baguio myang daling araw."
tulog pa ng konte, may isa na namang text ang pumasok sa phone ko.
BEEP
ate tears: "punta tayong benguet. 4 am."
ako: "uiwan dn b?"
ya rai: "jan 4. ask mo na lang c ate tears for details."
at ako si excited (dahil hindi pa nakakarating ng kabundukan ng cordillera, ay sumama. hahaha) sakto kasi wala akong pasok hanggang jan4 kaya okey sa olrayt. at ayun, pagkatapos magpunta sa Medical City upang bisitahin ang dati kong guro na sinugod dahil sa kolesterol, sumugod na ako kila kuya rai.
[pramis. may pic entry ako para dito. ;) ]
Pagkatapos makababa sa kabundukan ng Benguet, mamitas ng strawberry sa La Trinidad, matapilok sa grotto ng Baguio, maligo sa inn na aming tinuluyan, mamalengke ng sangkatutak na brocoli, patatas at sayote, kumain ng pinakamasarap na lugaw (binanliang bahaw)\, mag-swimming ng biglaan sa San Fabian, Pangasinan, Huminto sa iba't ibang bayan ng Tarlac, Pangasinan, La Union, Pampanga at Bulacan para magpicture-taking kasama ang isang tricycle ng talong o mga batang bundok... ayun, sa wakas, nakauwi rin at nakapagpahinga ng hindi nanginginig sa lamig. pag-uwi, problema kagad ang nakabalandra sa pintuan ng bahay namin. sa dorm, potang John yan, ginamit ang t-shirt ko pangtanggal ng tae ng alaga nyang siamese cat na muka namang payatot na pusakal. At itanong nyo kung saan nilagay ang peyborit kong t-shirt? sa kailaliman ng hamper ko. nangamoy tuloy lahat ng madudumi ko. punyeta sya. hahaha. [bro. utoy... peace :) ]
[biglang serious mode]
Madami akong narealize sa biglaang roadtrip ko last 3 days. since it was my first time to go to the North and i was like a child during the trip. when we reached the mountains, indicating that we are nearing baguio, i opened the window and felt the wind slapping against my face. i peeked through the mountains and was shouting everytime i see small waterfalls between big rock formations. i was parang ignorante... namamangha sa hilaw na starwberry, malalaking gulay, haunted house at mga bayarang igorot. yun ang unang pagkakataon na sobrang lapit ko sa ulap, sa fog at sa langit. it was heaven right above my head. galing. aylabyu god. hahaha
[][][][][][][][][][][][][][][][]
di ko alam kung pano lalagyan ng intro tong listahan sa baba kaya heto, iisa-isahin ko na lang.
MGA BAGAY NA GUSTO KONG GAWIN, MAKUHA AT MATUPAD
- matutong magbisikleta, para matutong mag-motor.
- kumuha ng driver's license
- aysuin and pagtugtog ng flute.
- Bumili ng book collections... Paulo Coelho, Nicholas Sparks, Dan Brown.. etc.
- umakyat sa kabundukan ng Cotabato sa summer.
- magpuntang Bicol.. treat ni patrick.
- makalipat ng UST o sa UP... philo p din.maski 12 units lang. sa sarili kong bulsa.
- matulungan ang tatay ko sa pangarap nyang gawing room for rent and bahay namin.
- mabayaran lahat ng utang. LAHAT.
- makapag-post ng entry sa youngblood. (frustration namin ni leroy. LOL)
- mag-leave sa mga commitments sa parish para magkaroon ng sariling panahon sa sarili. (lord, tama ba ito? give me a sign...)
- Make a movie collections
- live an anonimous life
- magpataba.
- magpatangkad.
- maniwala sa sariling prinsipyong : LIVE SIMPLY
- makabili ng mumurahing pc para sa bahay.
- bumili ng sariling laptop. yun lang. after that, wag maging maluho.
- iPod. maski 4 gb lang. lalagyan ko ng maraming senti and instrumental.
- ipangako sa sariling prinsipyo at paninindigan.
- matuto ng PhotoShop
- pati na din ng Particle Reactor something.
- pagandahin ang garden ng nanay ko. with personal touch.
- magkaroon ng kaibigang foreigner. maski indian.
- mag-check in ulit sa baguio. kasama ng isang special someone. hahaha
- ipagawa ang salamin na hindi dumudulas sa pangong ilong.
- i-enjoy ang kalayaan ng pagiging 18 sa june. yahoo!
[sigh]

3 palagay:
ahehe..makakahiya mang aminin ay hindi rin akong natuong magbisikleta..ahehe!
my friend was raving about that young blood..it's a very youhful and inspiring book...
sana matupad ang nakalagay sa checklist mo :)
aq rin di marunong mag bike tsaka dream q rin yang youngblood hanggang nag over age na aq hehehe... gusto mo introduce kita ng forenjer? hehehe
oi. di ko na dream mailagay sa youngblood. hehe.
iba na ang ihip ng hangin. :D
gusto ko na ngayong maka-rubbing elbows si manix abrera at magpa-autograph sa kamay ko. haha.
xD
Post a Comment