Byernes. Habang nagmumukmok sa kwarto dahil sa maanghang na pancit canton, nakatnggap ako ng text kay kuya rai.
elyas, pwede ka tom dalaw-pari in lucban, quezon? txtbk asap.
dahil isa akong kaladkarin at hayok sa adbentyur, nagreply ako pagkatapos ng limang minuto.
yeah!
nagtext ulit xa.
may mga kasama tayong mga seminarista from san carlos. ikaw ang lead nila.
ako: anak ng... ha? minors ba?
ya rai: 6:00 am. sa tiendesitas na lang kita susunduin. pinapatay ang na le-late. wag kang magtsinelas dahil kasama mo mga carlista. bawal ang tsinelas. 6 AM.
at talagang kailangang i-specify na wag maghahavianas? linte... ansakit na ng paa ko sa canvas ko.
at ayun, kinakabahan dahil sa set-up, sumige ako.
sabado.
nagmamadaling tumawag sa sickline ng kumpanya, at nagtungo sa tiende hindi para magtrabaho. maghihintay ng sundo.
para akong tanga sa SM supermarket. katabi ng mga construction workers na naghihintay ng pick-up service nila, nagbabasa ako ng harry potter sa hagdan. antagal..... 6:25 na nung dumating ang puting Adventure. kasabay ng pamumuti ng mata ko sa gutom.
fast forward. nagtatatalak ako sa sasakyan. bakit ganto, anung gagawin, bakit sila kasama. bakit di pwedeng magtsinelas.
ang tanging sagot sa akin?: mamaya sa orientation.
well well well. fast forward. as it turned out, sasama ang mga theologians ng kapitapitagang (?!) seminaryo ng San Carlos. 50 plus sila. at mahahati kami sa walong grupo. iba-ibang destinasyon. na assign sa akin ang isang Adventure na kulay silver at ang golden nitong inuubong driver at kalahating dosenang seminarista. 2 1st year theo, 2 2nd year, 1 3rd year at isang 4th year na sa susunod na linggo ay oordenahan na bilang dyakono. nanliliit ako. biruin mo, ako ang guide netong mga linsyak na ito. walang ibang kasama. kami lang. ang destinasyon? sa bahay ni Msgr. Sergio Cuvin sa bayan ng Lucban, Quezon. 81 years old, malakas mag-yosi, kalog, kwela, tomador. Sya na yata ang pinaka-astig na lolo thunder na nakilala ko. sobrang cool. samahan pa yan ng dalawa pa nyang ate. (hindi ka nagkakamali. may dalwa pa syang ate! haha at eto pa, sila lola Mercedes ant Conception ay officially single! haha may separate artikol ako para dito...)
balik balik...
at ayun, pagkatapos magpakilanlanan sa isat'isa, tumulak kami sa byahe papunta sa lalawigang hindi ko pa napupuntahan. excited ako kasi first time. pero nawala ang lahat ng malaman kong ako ang leader ng tropa. walang nakaka-alam ng daan. ang tanging sandata namin laban sa pagkaligaw ay isang xerox copy ng mapa na galing sa isang tourist guide to the philippines. naiiyak na ako sa mga naiisip kong maaring mangyari. tangan ang polder na naglalaman ng mga dapat malaman (katulad ng: exit sta.rosa then look for sign to sta.cruz then going right to signage to lucban), wala na akong nagawa. bahala na. pagkatapos ng limpak limpak na pagmumura, nagpray kami ng salve regina. at ayun, nagkwentuhan na sila at nagtatawanan. iniwan ako sa harap, blankong nakatitig sa mapang di naman ako kinakausap.
maagang natapos ang tawanan nila. pagod daw sila. pagkatapos humilik at magngasaban ng baon naming sandwhich, nagawa kong makarating sa kalahati ng byahe.
stopover: Sun and Star Mall
location: sa gitna ng palayan somewhere in the heart of Sta.Cruz, Laguna.
masakit na tyan ko dahil wala akong almusal. pagpasok sa mall na parang monasteryo sa dami ng tao, bumili ako ng hot fudge sa dunkin donuts (tinunaw na kakaw sa binanliang tubig...as if namang may pagpipiliang coffee shop)... maski mainit ang panahon, ininom ko ang hot fudgy na yun dahil baka magka-stomach cramps ako. bumili na din ako ng donuts para sa mga mahal kong turista. pagkatapos ng 15-minute stop over sa mala-disyertong mall, tumulak na kami diretso sa destinasyon. ang hindi nila alam, nakailang nobena na ako sa lahat ng kaluluwa sa purgatoryo para tulungan ako. at sa bisa na din ng konteng kaalaman ko sa pagbasa ng mapa (kaliwa-kanan method) at mga kababayan kong may espesyal na talentong magturo ng direksyon gamit ang nguso, nararamdaman kong hindi kami naliligaw at nakarating ng matiwasay sa payapang bayan ng Lucban. (akala nyo ganun kadali ang kwento?! nagkakamali ka)
ayos ang byahe ko... maraming bagong tanawin. maraming bagong experience. hinid ko alam kung bakit tuwang tuwa ako sa mga simpleng bagay tulad dugtong-dugtong na puno ng buko, mga abot-tanaw na bundok, sa view ng laguna de bay at sa mga kalabaw. para akong ignorante na maski nahihilo dahil sa kakahanap ng daan, nagagawa ko pa ring nguniti sa mga kabayong kumakain ng bermuda grass. napaka-babaw ko talaga.
nakakapagod ang buong araw ko dahil pagkaluwas pabalik ng maynila, kailangan ko pang pumuntang eastwood para puntahan ang mga kaibigan kong kumakain ng cheese cake sa saliw ng ga-pitsel na mug ng beer. pero sobrang sulit dahil nakatikim ako ng sopas-ubod na matamis, nakapag-fieldtrip sa kamay ni hesus, lumamon ng pancit habhab, pumasok sa "No Entry" sa isang nayon sa Liliw, Laguna, nakakita ng kanal na kasing linaw ng batis ang tubig, nag-tour sa mamatandang simbahan at nakakilala ng matatandang magkakapatid. buti naniwala ako sa sarili ko at umasa sa likas kong pagiging gala. bagay talaga sa akin ang pangalan ko. Elias. E-la-yas ang prnounciation sa english). Layas. Gala. kung san san napupunta.
Pagod pero fulfilled. Sobrang fulfilled.
serendipity....
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

7 palagay:
masaya ang ganitong mga adventure. kahit ako hidni ko ito pagsasawaan...
wow..astig naman ng adventure mo!
hindi ako marunong magbasa ng mapa. siguro kung ako nasa kalagayan mo, nawala kaming sa kawalan. ahehe!
---
buti naligaw ka ulit dito sa blog ko. ahehehe! salamat sa pagdalaw, yas.
yas, new personal blog ko pakiupdate http://diaryofmiel.wordpress.com pero exist pa rin ung honeyreyesdatcom... paxenxa na di aq nagrereply maxado busy... pwamis paguusapan natin un soonest!- ate honey
teka... member ka ng Ephesus ni Monsignor? Hala, humanda ka't magkikita tayo this June! sigurado ko kasi yan ang apostolate ko. hehe...
God bless!
i love travels! saya tlga! haha..
ang ganda ng music..
nakakarelax.. :]
@ wandering commuter: ehe cnabi mo pa kuya, enjoy! ... kaya nga elayas tawag saken ng nanay ko date eh. apir!
@ lucas: tyempo tyempo lang. alam mo namang sa grammar eh bobito ako, sa mapa pa kaya!
oo, nagreview kasi ako ng links, nasa ilalim ka pala. xori. ;)
@ ate Honey: yey. ahaha. cge tag ko yan. raket na to!
@ bro utoy: aysos. Magtatago na pala ako! haha sa june? goodluck sa akin. di na ko sasama pa sa kalokohan ni monsi. ehe. pis. ;)
@ jeszieBoy: maraming salamat. tagal na nga nyang music na yan dito di ko pa din mapalitan.
langyaka, buti nagbakrid ako. hahantingin kita dun! nyahaha!
at syempre...God bless!
Post a Comment