mali.
sinayang na ala-ala.
mga kinalimutang kaarawan.
at mga binigong pangako-
makikita mo na lang ang sarili mong naka-palumbaba.
nakitingin sa bintanang walang barandilya,
sumusulyap sa mga talang pipi.
katulad ng mga bote at upos ng marlboro
na iiwanan ko.
sa kwartong naging piping saksi.
sa mga paulit-ulit na pagtatago at paglilihim
at ako. ang. bingi.at ako din ang bulag.
kokomban na nilamukos.
pinilit gawing bangkang papel.
upang paanurin.
sa tuyong daan ng kalye dizon.
[...]
uuwi na ang alibugha.
kasama ng mga inipong basura.
-isang elehiya.

6 palagay:
Maligayang pagbabalik!
Ito ang bagay sa mga insensitive. hehe
Ingat lagi
"nakitingin sa bintanang walang barandilya, sumusulyap sa mga talang pipi...."
Napa-emote tuloy ako bigla. Galing mo talaga mag-sulat sa Tagalog. Ayan, pinuri kita; pautang naman jan. Ehehe, biro lang.
tayo na sa marikina....
at doon sa marikina....
parang tanga lang.
astig.
feeling "manunula" din ako pero di kasing galing nito... nice
at sa bahay ng alibugha,
naghihintay na ang bago nyang tsinelas.
hehe... wala lang.
nakikigulo lang.
ganda ng tula mo, kapatid.
naisip mo na bang sumali sa Palanca?
God bless!
@bampiraako: haha. tama. :D bagay nga sa kanila ang mga ganto. ehe.
@andy briones: hanga ka jan. kung alam mo lang kung ilang minuto lang ang tinatagal nyan para masulat.. siryoso, pero totoong kapag "inspired" ako, magagawa ko lang yan sa loob ng labing isang minuto. wala nang editions. haha! salamat salamat. at least nakakabawi sa tagalog. :D
ps. peborit ko din yungline na yun.
@paurong.com: ok. :D
@stupidient: utang na loob, kung magaling ang tawag sa akin, sinungaling ka. haha!
salamat sa pagdaan at pagbasa. pasensya kung laging personal ang entries ko.
@bro. utoy: waaah! nabuhay ka, kuya! antagal mong nawala... nagkanda-lokoloko tuloy buhay ko. ehe. joke. :D
"naghihintay na ang bago nyang tsinelas." -cool! magandang gawing alternate sa ending. apir!
naisip ko na dati pa na makigulo sa Palanca, kaso dahil tamad ako, hanggang isip lang. ehe.
Post a Comment