Hindi mo na ko makikitang naglalakad sa mga mausok at maingay na kalye ng Espanya. Hindi mo rin ako makikita sa bahay. Walang nakaka-alam bukod sa sarili ko kung saan ako ngayon nagkukuta. Kung nasaan man ako at kung ano ang dahilan ng paglipat lipat ko, hindi mo rin ibig na malaman dahil wala naman talagang kunkretong dahilan ang aking pagiging lagalag.
Ilang araw na din akong hindi nakakapagbukas ng facebook at ng blog. Sa totoo nyan, palihim kong tinitipa ang mga letrang ito sa pagitan ng mga reklamo sa telepono. Hindi ako makapagpasalamat sa mga dumudungaw sa basurahang ito. Babawi ako.
Malayo sa itsura ng dati kong dorm o ng bahay ang bago kong kuta. Mainit, masikip, walang internet connection, napagpasyahan kong dito lumagi. Mag-iisang linggo na din ako dito. Pwede naman akong umuwi sa bahay naming bagong gawa o permanenteng tugunin ang request ng lola ko na lumagi na sa Malolos pero nandito ako, pawisan kapag matutulog, walang kilala at walang pangalan. Kilala ako ng mga housemates ko bilang Jayson. Bukod dun, isang bagay lang ang nag-uugnay sa amin. Pareparehas kaming mga puta sa gabi.
Sinasabi ko na dati, wirdo ako. You can find me in one place and gone the next moment. You may see me as someone you know very well then a perfect stranger in another. I have circles of friends that know me in different ways. I am afraid to be attached to a person so much, knowing that I am leaving sooner or later. It's not living a double life full of pretensions because I don't fake my laughter to please people. My smile is always genuine and my stories have truths. It's just that I live in perpetual wandering, like there is a gypsy within me passing through thousand streets and waking up seeing hundreds of different ceilings.
Sabi nga ni Hannah Jo, this kind of life is not for everyone. And sometimes people don’t understand. So you put up a façade of being carefree even when you are crying inside, so that when you leave, you will at least leave a good story behind.
...
Naniniwala akong laging may iba't-ibang anggulo ang istorya. Nakakalungkot isipin na sa pagsusumikap mong malaman ang dalawang mukha ng barya, kalakip nito ang posibilidad na mawalan ka ng kaibigan. Sa pagitan man ito ng kape o serbesa, ang katotohanang nawalan sayo ng tiwala ang isang kaibigan ang pinakamalungkot, higit sa kamatayan, na parte ng pagkatao natin. Ngunt dahil ang laging kupkop ng puso ay ang kaligayahan ng kaibigan, hinahayaan na natin silang gumawa at magpatuloy ng istorya maski di na tayo kasali sa mga susunod na pahina.
Kailangan nating makuntento sa desisyon ng ibang tao para sa kanilang sarili. Sa ganoong paraan lang natin mauunawaan ang kagandahan ng malayang pagpapasya. Kung pipilitin kasi nating ibalik ang dati, o ibahin ang gusto nila, tinatanggalan natin sila ng kalayaang mamili ng sarili nilang diskarte sa buhay.
...
Bawal akong uminom at magyosi at maglibog ng isang linggo sabi ng doktor. Ugh, may tatlong araw pa ko.
...
Mukhang kailangan ko na namang bumalik sa bahay. Pesteng kumpanya to, palipat lipat sa akin ng site.
...
Until then, I remain a modern gypsy roaming in the city streets, searching.
*salamat kay Hannah Jo, isa ding lagalag.
Wandering bottled beers
Yas Jayson
Panig sa Diyos at BayanTo see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life.

9 palagay:
kung nasan ka man, ienjoy mo lang.
hi... just follow what the doctor says.. be a good man!
naaawa naman ako sa kalagayan mo. bakit kailangan palipat lipatin ka. parang pinaglalaruan kanalang nila. yan ba ang bagong flexibility ngayon.
Akala ko bagong tirahan na naman. Good luck sa iyong trabaho! Ayos 'yan hindi boring kasi palipat-lipat ka.
May kakaibang husay at istilo kapag ikaw ay nagbubuo ng isang kwento. Galing, Elyas!
Elias Jayson:
It is not the place, it is not the situation in one's life that can make him happy or sad: it is what IS in his heart that will do.
Live free.
Go Yas!
Kayang kaya mo yan!
stay happy!
keep safe!
relax lang yas...ang puso mo, ang puso mo...
ei, yas... i am intrigued with your story. this is an adventure that you're having. enjoy it and hope in the end, you will find the answers that you're searching for...
Post a Comment