Hiniling ko na magrereply ka.
Malamig noon, hindi ako makasandal sa upuan gawa ng
matigas ang aking utong.
Umaawit si ate ng porque
contigo yo ya escoji
saliw sa pagtugtog ng gitara ni kuya.
11:11 noon at sa layo natin
at sa pagkaimposible na rin ng request
request na dapat sa mga santo dineretso
partikular sa panot na santong patron ng mga nawawala, si
San Antonio
Ikaw ang hiniling.
Dalawang taong singkad, ikaw pa rin ang pinipili.
Sige pa rin sa awit si ateng maputla
at harabas pa rin si kuya sa pagkalabit sa gitara
jusko kaunting segundo na lang –
Masyado bang mabigat ang hiling ko?
Alas onse onse.
titigil ko na sana ang mangarap
Tapos umilaw ang cellphone na pangmayaman
Totoo nga pala ang pamahiin.
Pucha, ngumiti ang langit.

1 palagay:
Is this in Antipolo? Or perhaps Baguio?
Post a Comment