Umaga.
Gumsising ako dahil sa lakas ng boses ng lola ko.
Partida, nasa labas sya ng bahay nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay.
Mula sa kwarto, maririnig mo na ang binibida nya...
"Ay alam mo 'tong apo kong si ejey, naku nung maliit pa lang yan alam kong matalino na yan, kaya kita mo ngayon, maski anong pagawa mo nagagawa! Saka alam mo simula nung nag-kinder yan hanggang nag-college, honor roll yan eh...ano anu pa nun, ako pa nga nagsabit ng medal nyan nung kinder... blah blah blah"
Tuloy tuloy. Parang washing machine.
Malakas. Bida sa oras na yun ang lola ko.
At ang kanyang alas?
Kwento. Sabayan pa yan ng dumadagundong na boses. Yan ang lola ko. Araw araw.
75 na lola ko sa August 9 [at panay ang parinig sa akin na hindi daw sya maghahanda pero kumakain daw sya ng cake.] Pero kapag nakita mo sya, aakalain nyong muka syang 60 lang.
Libangan na nya yun. Ang ibida ang mga apo nya.
Lunes- ate liza
Martes- kuya obet
Myerkoles- cedrick, ate julie, ate meng
Huwebes- ako, si eboy
Byernes- si mama
Sabado- gabriel, miguel
Linggo- pahinga
[paunawa: hindi accurate yan]
At kapag sya na ang buwelo sa usapan, wala ng aangal sa mga kapit-bahay namin.
Sya ang senior correspondent kasi ng mga balita sa aming barangay.

~~~
Bumaba ako para kumain.
Sakto pagpasok ko eh pumasok na din sya sandali.
Sumali sya sa usapan ng mga pinsan ko na naglilinis ng mga kuko sa paa.
May pumasok na langaw nung pagbukas ng lola ko sa pinto kaya nag-wala ang pinsan ko,
"hala amma, papasok pa mga kasama nyang langaw, kasi kayo eh, aga aga nasa labas na kayo!"
"eh ano naman kung maaga e nasa labas na ko? kayo nga umaga na nasa labas pa kayo. ako ba hindi pwede? saka anong masama dun? kayo nga tigi-tigilan nyo ko ah... mag-almusal na lang kayo...."
"eh yung langaw nga..."
"hindi yan basta langaw, kaluluwa yan."
"watdah?!!"
"baka si mama mo to ejey, may gustong sabihin sa ken na hindi nya nasabi nung buhay pa sya..."
"langaw? ayoko na pa lang mamatay, magiging langaw din pala ako..."
"gago. kaluluwa yan, may gustong sabihin.."
"di yan totoo."
"sinong may sabi? totoo yan no... minsan nga kung san san dumadapo yan eh.. sa braso ko, sa tenga, sa ilong, sa balikat... may gustong ipahiwatig yan kaya dumadapo."
"patayin nyo..." banat ko.
"hindi pwede kundi ikaw ang susunod."
katakot.
"tamad kasi kayo maligo eh, kaya yan..."
"sino ako?!!! hoy hoy maski di ako maligo ng isang linggo, mas mabango ako senyo! bala nga kayo jan, hindi kasi kayo naniniwala."
sabay labas. kasama ang langaw sa balikat nya.
Natutuwa ako sa ganun na naiinis. Natutuwa kasi alam ko malakas pa lola ko at kaya pa nyang gawin mga gusto nya. Naiinis kasi nga matanda na. ahehehe
Pero love ko ang lola ko. Kasi ba naman sa oras-oras na makakatabi mo yan, hindi maiiwasang makakakuha ka ng mga kakaibang mga unsolicited advises... studies, spirituality, folklore, chismis, history, superstitions, family life, pangarap...lahat. Parang idiot's guide for everything ang lola ko. Bihira akong makakita ng mag-lola na nagde-date pero minsan ginagawa namin yun... pero madalas, sa bahay. Maski hindi madaling makipag-relasyon sa lola ko [ano daw?!!], ayos na din kasi sya nagpalaki sa akin.
Kaya naman nung nagkwento sya tungkol sa mga kaluluwang langaw, natutuwa na lang kaming magpipinsan kay Amma. Ayos lang saming mapagalitan nya, sya naman halos nagpalaki sa aming lahat na apo nya. Maski bungangera, matagal na ang isang linggo na tampuhan. Madali lang utuin si Amma... isang sorry lang at maraming pangaral, oks na kayo ulit. Samahan mo pa ng isang plastik ng choknat, baka umigsi ang sermon nya. Laging tama ang lola ko, walang pwedeng bumangga sa prinsipyo nya. Yun ang gusto ko sa kanya, maski mali na, humahanap pa rin sya ng dahilan para i-defend ang statement nya.
Sa kanya ako ata nag-mana.
Kaya kung may mga kaluluwang-langaw man, ayos na din.
'wag lang nila akong dadapuan.
8 palagay:
--
hakhak
kamuka mo si NAN
hakhak
buti pa ang elyens makulay ang buhay
hakhak
elyens poreber
XXXxx
kamukha mo ung langaw.
hehe. long-lost relative mo ata.lol.
xD
after midterm ah. inuman!
xD
nyahaha...
:D yung barkada ko naman diwata daw yung mga ipis... sheeesh
nakakatuwa naman ang amma nyo..ang kewl.
napabisit lang po. :)
ay ako din, ayaw ko maging langaw sa afterlife, pwede ba unicorn?
Anong nangyari sa mukha mo?
call boy ka na daw?
hahaha!!!!
si lola, nag-moment!
sa bisaya, they also believe that... kaluluwa raw nagparamdam ang langaw sa gabi kasi nga naman walang langaw na dapat sa gabi... ay ewan...
Post a Comment