Kaunting panahon mula ngayon, aayusin ko na ang pagboblog. Napagisip-isip ko na din kasi na hindi na bagay sa akin ang pagiging batang paslit sa sangkamunduhan ng blogosphero. Saka masyado na akong nagiging madrama. Baka maglas-las ako kapag pinagpatuloy ko pa to.
Kasabay ng pagbabagong-anyo ng blog na ito ang pag-iwan ko sa kwento na naitago ko dito. Ang mga bubot na pagsasatitik ng karanasan, mga maling gamit ng balarila, mga tulang walang liriko, mga saloobing walang anyo.
Iiwan ko na din ang mga itim na pahina. Sabi kasi ng marami, masyadong malungkot ang pwesto ko. Hahanap ako ng maayos-ayos na template, isang template na malapit ang pagkakayari sa katangian ko. Sabi nga ng Little River Band, "it's time for a cool change."
Aayusin ko na din yung "About Me". Matagl ko na din kasing balak na ayusin talaga yung part na yun eh sobrang nakokornihan ako sa mga drafts ko. [haha. oo. sa "About Me" lang ako nag-draft ever. talagang pinagisipan daw ba. :D]
Pero as of now, habang tinatamad pa din akong ayusin ang blogelya ko [term ni Mimi. lol] nadapa ako sa isang statement ng ka-opismeyt kong si Mimi din sa kanyang personalized kampani online propayl. Duguan ang ilong. Sabog ang bungo. At may buong giting na paghanga sa kanyang personal statement. :D
No one knows stars are dying.
Stars fall, humans rise, and me I can only seek after
... a reason to smile, a motive to run, a way to choose... looking for a place in a world.. on earth or in the sky.
This is the somnambulant's instinct, fleeing the real world, being in the limits, sleepwalking between dream and reality, rising the night then falling the next day, counting the fallen star, counting down the hours of insomnia.
I'll never cease to follow my star. I'll run as fast as possible. I'll attain all my dreams..
And, one day, I will fly away...
nganga.
PS.
Sa bwakanang si Lio, isang pagpapasalamat. Nagpupugay. Kolboys unite!
At sa mga nakatatandang kapatid ko sa makulay na mundo ng blog [paki tignan na lang ang listahan sa kanan. bandang baba], maraming salamat sa pagdalaw, txts at mga nakakabadtreep na comments sa bawat entries kong basura.
At sabi nga ng mga taga-Marikina, Kapuri-puri ka!

5 palagay:
bunso, para kay kuya, isa ka sa mga magagaling na manunulat dito.
Aabangan ko ang malupit na pagbabago!
Hanggang dito madrama pa rin. ;)
mas malupet ka sa tagalog parekoi. ang mga tulad nating kolboy, hindi na kelangang patunayang magaling nang mag-ingles. applicable lang 'to sa'yo ng konti. nyahahaha!
pero...pero...pero...
i object sa pagpapalit mo ng layout. gusto ko ang angas ng itim na pahinang 'to. sana wag mo nang palitan. un lang. at honga pla, walang anuman buwakanginang yas. kbye!
@bampira: haha. flattery. o xaxa, naniniwala na ako. :D salamat.
mukhang aayusin ko lang ang blog ko ng konte, may umaangal sa plano ko eh. ehe
@paurong: lol
@lio: kaya nga. o xa o xa, tagalog sarado ang blog ko. amen.
sabi mo eh. malakas ka ata saken. saka tinatamad din akong maghanap ng template. nakaka-praning. another crap. di ko na naman tinupad ang walang ka-kwenta-kwentang plano. nakikielam ka kasi. haha.
pero di biro, sige. retain ko to. :D
Paka-aabangan ko ang transpormasyon ng blog mo. Damihin sana ang posts na sulat sa Tagalog; dito ka magaling. More power, bro! =P
Post a Comment